3 Tips Para Masulit Ang Una Niyong Date

Nakita mo na nga ang mga larawan niya sa kanyang profile, nakipag-chat para malaman ang mga bagay-bagay at mapa-isip na baka nga siya na ang 'the one'. Bago pa ang lahat, kailangan mo muna siyang makasalamuha para masigurong may sparks nga kayong dalawa. Basahin ang 3 tips na ito para mailahad ang pagkatao mo at maiwasan ang potensyal na panlulumo.

Humanap ka ng kaparehas mo

Sigurado naman ako na madalas mo na itong naririnig- sa nanay mo, sa BFF mo maging sa mga bagong posts sa IG ng quotespersation- ngunit lahat sila ay tama. Kailangan mo munang maging komportable aa iyong sarili bago ka pumasok sa isang maayos na relasyon. Sa halip na mataranta ka kung ano bang mangyayari, magplano ka ng mga bagay na hindi naman kailangang kasama siya. Isipin kung ano ba ang kakainin mo o kung saan mo gustong pumunta pagkatapos niyong kumain. Gusto mo naman talagang sumipot siya, ngunit kapag hindi siya dumating (o para bang iba ang pagkatao niya sa inaasahan mo) alalahanin mo na kaya mo pa rin maging masaya kahit pa ganoon ang nangyari.

Kapag naging maayos naman simula pa lang ng pagdating niyo, panatilihin lang ang pagiging komportable sa buong oras ng date niyo. Ang tiwala sa sarili ay isang palatandaan ng kagandahan at kapag komportable ka sa lahat, hindi mo mapapansin na unti-unti ka na niyang nagugustuhan. Huwag kang matakot na magbahagi ng opinyon na kontra sa kanya o ng mga magagandang kwento kahit na ang mga nakakahiyang pangyayari sa buhay mo- hindi naman kailangang magustuhan ka niya agad, ang kailangan mo ay makakasama.

Mahalaga ang katahimikan

Pwede rin na magkahiyaan kayo. Hindi lang naman sa unang date nangyayari ito, ang mga tao ay mga nilalang na laging nakikisalamuha at natural na sa unang pagkakataon na makakasama natin ang isang tao, nagiging tahimik tayo para maging komportable tayo sa isa't-isa. Kahit na sa totoo lang, hindi ka magigin komportable rito.

Minsan ang katahimikan sa unang date ay resulta ng takot sa paghahanap ng tamang salita, na baka masyadong marami ang maibahagi niya o makapag-sabi siya ng bagay na pagsisisihan niya. Yakapin na lang ang --------. Kapag hindi mo alam ang sasabihin, huwag na lang magsalita. Mag-isip ng isang bagay at pwede ng ibalik ang usapan. Ganoon lang kadali.

Isipin mo ang mga oras na magkasama kayo ng matalik mong kaibigan. Lagi ba kayong nag-uusap? Pwede, pero malaki ang tsansa na hindi. Maaaring nagtetext kayo o nanonood ng TV, o di kaya naman ay magkasama lang kayong nakaupo habang tahimik kayong pareho, pero hindi mo lang napapansin kasi nga komportable na kayo sa isa't-isa. Gayahin lang ang ganitong pakiramdam habang kasama ang iyong ka-date. Para bang dalawa kayong tao na magkasama lang.

Hindi mo ako kilala!

Halata naman ito, ngunit ang profile ay hindi ang tao mismo. Kahit na 100% pang tapat ang ka-date mo sa mga impormasyon tungkol sa kanya at naipakita niya ito, maaaring parte lamang ito ng kanyang pagkatao. Masinsinan niyang pinili ang mga impormasyon na ito para magustuhan ka niya. Panigurado, may mga impormasyon siyang tinatago na hindi mo gugustuhing malaman sa unang pagkakataon na magkikita kayo. Tanggapin na parehas lang kayo ng nararamdaman.

Malalaman mo ang pagkatao ng isang tao sa tagal ng panahon at sa mga karanasan na parehas niyong pinagdaanan. Sigurado nga na ang pakikipag-date sa online ay pinapadali ang proseso ngunit ikaw mismo ang kailangang gumawa pa ng mga susunod na hakbang. Kapag alam mong nararapat naman na bigyan pa siya ng pangalawang date, kailangang niyo rin itong pag-usapan.

May mga tips ka ba na gustong ibahagi? Hayaan mong malaman namin ito sa mga komento.

Please click the link for English version: 3 Tips For Getting The Most Out Of Your First Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?