5 Dahilan Kung Bakit Ang Paghiram Ng Aso Sa Iyong Kaibigan ay Maaaring Magdala sa Iyo sa Isang Date

Maraming mga single na tao ang may sariling mga aso upang mapanatiling may kasama sila. Ok, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit sila ay may sariling aso─ ngunit nananatili pa rin ito. Ang mga single na lalaki’t babae ay karaniwang dinadala ang kanilang mga aso sa isang parke at marahil ay hindi nila maisasaisip ang isang masayang usapan habang pinapanood na maglaro ang kanilang mga aso. Ang mga taong may kasamang mga aso ay mahilig na makipag-usap sa iba pang mga taong may kasamang mga aso. Ito ay nakasanayan na. Kaya kahit na ikaw ay walang sariling aso marapat na manghiram ka ng aso sa iyong kaibigan sa lalong madaling panahon dahil ito ay maaaring magdala sa iyo sa isang date. Narito kung bakit:

1. Kaagad na kayo ay mayroong pagkakapareho

Sa isang parke kung saan ay pareho kayong may dalang aso, mayroon na kaagad kayong pagkakapareho na naglalagay ng pundasyon upang maging panimula ng isang pagkakaibigan at ang nagsisimula maging ng isang relasyon. Kung ikaw ay nanghiram ng aso sa iyong kaibigan maaari mong amining ito ay hindi mo aso ngunit mahilig ka sa mga ito at madalas na gumagala kasama ang aso niya. Ito ay nagpapakita pa rin na ikaw ay isang dog lover at mabait na tao.

2. Ang iyong aso at ang kanilang aso ay maaaring maging magkaibigan

Kung ang iyong aso ay nagkataong nakikisama at nakikipaglaro sa isang single na may-ari ng aso, maaaring imungkahi niya na kayong dalawa ay muling magkita sa parke ng kaparehong oras bukas. Maaari ninyong sabihin ang katotohanang gusto ng inyong mga aso ang isa’t-isa upang magsagawa muli ng panibagong pagkikita.

3. Maaaring gusto ka ng kanilang aso

Kung ang isang cute na aso ay tumalon sa iyo at mukhang gusto ka niya, maaari mo itong gamiting dahilan upang makipag-usap sa may-ari. Maaari niyang sabihing ganito “wow, gusto ka talaga ng aso ko!” at simulan mo ito mula doon. Ito ay isang mahusay na ice-breaker at isang pambungad na linya sa simula ng isang pag-uusap.

4. Kung ikaw ay nakaupo sa labas ng isang coffee shop kasama ang isang aso, hihinto ang mga tao upang makipag-usap sa iyo.

Ok, kung talagang humihinto sila upang pansinin ang iyong aso─ magtatapos pa rin itong nakikipag-usap sa iyo. Kung ikaw ay uupo sa labas ng coffee shop at iinom ng kape mag-isa, ang single na taong iyon ay maaaring lagpasan ka lamang. Ngunit, ang kaparehong tao ay maaaring hindi mapigilang mapahinto sa iyong mesa kung ikaw ay mayroong kasamang aso.

5. Napakadaling gamitin ang iyong aso bilang isang dahilan upang makipag-usap sa iba pang may-ari ng aso.

Maaari kang makabuo ng isang dahilan upang mas madali mo silang maka-usap. Tanungin mo sila tulad ng kung saan nila nakuha ang maayos na kulyar na iyon o kung pinapakain ba nila ang kanilang mga aso ng isang espesyal na bagay upang magkaroon ito ng napakalambot na balahibo. Ngayon na nagsimula na kayong mag-usap at bumuo ng magandang ugnayan, maaari ka ng gumawa ng malaking hakbang upang tanungin sila kung gusto ba nilang maglakad-lakad kasama ang kanilang mga aso. Ang unang date ay nagaganap na.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: 5 Reasons Why Borrowing Your Friends Dog Will Probably Land You A Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?