5 Magandang Ideya Para Sa Rainy Dates

Nakapagplano ka na ba ng isang perpektong date ngunit hindi maganda ang lagay ng panahon na para bang uulan ng pusa at aso? Maaari mo itong ipagpaliban o kaya naman ay humanap ka ng alternatibong paraan na magiging isang memorable date.

Kapag alam mong uulan sa inyong date, maaari kayong mag-enjoy sa loob ng bahay. Isang ideal date kapag maaraw ngunit dahil sa hindi ninyo kontrolado ang lagay ng panahon, maaari niyo pa ring makuha ito sa pamamagitan ng kaunting pagkamalikhain. Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat kahit na kung ito pa ay unang pagdidate.

Magliwaliw

Hindi kailangang nasa isang romantikong lugar kapag nakikipagdate. Kapag masama ang lagay ng panahon, bakit hindi na lang kayo maglakad-lakad sa mall at mag-grocery? Humanap ng lulutuin at mamili ng mga kakailanganing sangkap sa inyong pagdidate at lutuin ito ng magkasama sa bahay.

Ang pagluluto ay isang magandang aktibidad at maaari mong malasahan ang iyong ibinigay na effort sa huli.

Ang paglalakad sa mall, ang pagbisita sa isang pet store o sa isang sild-aklatan ay maaari ring maging romantiko sa inyong mga sariling pamamaraan. Dagdag pa na hindi na ninyo kailangan pa ng mas malaking effort para makagawa ng isang romantikong kapaligiran kung magiging malikhain lamang kayo.

Matuto ng bago

Sa halip na mabasa sa labas, manatili na lamang kayo sa loob at matuto ng bagong kaalaman kasama ang iyong kapareha. Makinig sa isang programa na may kasamang mainit ng tsokolate o mag-aral kung paano maghalo ng alak at inumin ito ng magkasama.

Maaari mo ring sabihan ang iyong kapareha na turuan ka ng kakayahang alam niya tulad ng pagsasalita ng ibang lenggwahe o paggawa ng origami. Kapag mayroong proyekto ang iyong kapareha, subukan ninyong gawin ito ng magkasama. Ang inyong pagsasama ay magiging maganda kapag gumagawa kayo ng mga aktibidad na mayroong maayos na resulta para sa inyong dalawa, kaya kunin mo ang pagkakataong gumawa kayo ng mga bagay ng magkasama.

Maging malikhain

Ang ulan ay romantiko rin, kaya bakit hindi na lang manatili sa loob ng bahay at gumawa ng photoshoot kasama siya? Hindi ito kailangang maging seryoso. Pagsuotin mo siya ng ibat-ibang mga damit para sa isang masayang alaala. Kapag gusto niyo talagang lumabas, magandang dahilan ang ulan para pumunta sa museum. Sa ganitong paraan hindi mo na kailangan pang maguilty sa pagpapalipas ninyo ng oras sa loob ng bahay.

Humanap ng libangan

Ito ang luma ngunit mabuti pa rin. Ang maupo ng magksama habang nanunuod ng nakakatakot na palabas ay magiging masaya para sa “rainy date”. Dagdag pa, magkakaroon kayo ng dahilan para mas maging malapit sa isat-isa habang inaabangan ang susunod na nakakatakot na eksena. Ganoon din ang paglalaro ng video games ng magkasama ay nakapagpapatibay sa inyong pagsasama. Kung hindi naman siya hard-core gamer, marami pang ibang maaaring paglibangan, mga titulong maaari ninyong laruin ng magkasama. Ang paglalaro ay palaging may layunin, kaya ang pag-abot sa mga layuning iyon ng magkasama ay maaaring magpatibay sa inyong emosyunal na koneksyon.

Lumabas

Ngayon isa na itong literal na “rainy date!” Dalhin ang inyong mga payong, bota at pamandong, at maglakad-lakad sa pinaka malapit na parke. Hanggat sa hindi naman bumabagyo sa labas, ang paglalakad habang umuulan ay perpekto para sa isang romantikong alaala. Wala gaanong tao kapag umuulan, kaya maaaring makuha ninyo ang buong parke ng kayo lamang. Kaya tumalon-talon sa tubigan ng magkasama. Maaari niyo ring bisitahin ang iba pang mga tanawin tulad ng mga monumento.

Ang tag-ulan ay maaari ring maging perektong oras para makapag-relax kaya pumunta sa pinaka malapit na café at magkape ng magkasama habang pinapanuod ang pagbuhos ng ulan. Kapag kayo ay nasa city na, bakit hindi kayo pumunta sa isang palabas o concert? Maaari kayong makadiskubre ng bagong musika at aktor ng magkasama.

Sa pagbubuod

Kaya kahit na ang panahon ay napagdesisyunang basain ang mundo, hindi kailangang mawala ang inyong emosyunal na pagsasama. Napakaraming ideya para sa rainy date na maaari ninyong subukan, ngunit nakadepende pa rin ito sa kung ano ang inyong hilig. Kaya lumabas at magpa-ulan! O kaya naman ay manatili lamang at maging komportable.

Ano pang ibang ideya ang alam ninyo para sa rainy dates? Ibahagi ito sa ibaba!

Please click the link for English version: 5 Inspirational Ideas For Rainy Dates

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?