5 Palatandaan na mahal ka niya

Ang kultura at sikolohiya ay napatunayan ng magkaiba ang lalaki at babae sa paraan ng pagpapakita ng kanilang pagmamahal. May kitang-kitang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kasarian. Ang bawat tao ay may iba't-ibang paraan para iparamdam ang kanilang pagmamahal at habang alam ng karamihan na ang mga lalaki ay mas naipaparamdam ito sa pisikal na aspeto, may iba pang pwede nilang gawin para malaman kung sila ay mainit o malabon may damdamin sila sa'yo.

Touchy Feely

Malalaman mong patuloy ka niyang nagugustuhan kapag hinahawakan ka niya ng madalas kaysa dati. Maraming lalaki ang nakakakita na ang pisikal na koneksyon ay senyales ng pag-ibig, kaya bantayan ang tataas na paghawak niya sa'yo.

Hindi naman nangangahulugan na kapag hinawakan ka niya ay kailangan na ng sex.

Ang mga simpleng galaw na kukunin niya ang kamay mo 'pag magkasama kayo o madalas na paghalik sa pisngi mo ay magandang indikasyon ng lumalagong pagmamahal niya sa'yo. Maaaring magsimula rin siya na yakapin ka sa publiko bilang ekspresyon ng pagmamahal at proteksyon, at kapag nasa bahay naman, nagsisimula na siyang mang-lambing ngunit inaasahan na walang pagtatalik na magaganap.

Kasama ka na sa kanyang interes

Kailangan ng lalaki ng mapagkaka-abalahan at kapag nagsimula na siyang isama sa mga bagay na gusto niya, pwede mo ng sabihing ito ay senyales ng malalim na pagkagusto. Karamihan din ng mga lalaki ay gusto ang mga goal-oriented na mga gawain kaya kapag gusto niyang tumulong kang maisagawa ang kanyang mga plano, malamang ay mas lumalaki na ang kahalagahan mo sa kanya.

Magsisimula na rin siyang hingin ang payo kung paano magsisimula sa isports o hobby. Ang lalaking inaaya ang mga babae na samahan sila sa mga bagay na gusto nila ay isang malakas na mensaheng emosyonal dahil alam niyang makadadagdag ka sa kanyang buhay.

Gawaing-bahay

Ang mga lalaki ay tunay na mga tamad (katulad din ng mga babae, ano bang itsura ng iyong banyo?) Ngunit kapag napansin mong madalas na siyang tumutulong sa paglilinis, ipinapakita niya na lamang na gusto niyang luminis ang bahay para sa'yo.

Kapag siya pa ang nauuna na kumilos at gumawa ng mga gawain sa bahay mo, gusto niyang mabawasan na ang gawain mo dahil nagugustuhan ka na nga niya. Kapag nagpapakita siya ng interes habang naglilinis kayo ng magkasama, pinahahalagahan niya ang oras niyo ng magkasama habang pinapanitili niya ang sabay niyong paglago.

Init ng pakikitungo

Madalas na nagpapakita ng pagkagusto ang mga lalaki sa kanilang aksyon. Kapag nagsimula siyang magsulat ng mga notes o kahit na ano pang cute na bagay, malamang ay tumatatag na ang kanyang nararamdaman sa'yo. Hindi sa hindi naman nakakalalaki ang pag-sulat ng mga liham o pag-aayos ng mga kandila sa pagkain niyo, kapag naipakita na niya ito sa'yo, ibig sabihin lang no'n ay inilalabas na niya ang mas malalim, mas malambot niyang pagkatao at iniimbitahan ka niyang ibalik mo ang mga ito sa kanya. Isa pang malinaw na palatandaan ay kapag tinulungan ka niyang mawala ang stress mo sa isang napaka-hirap na araw at totoong gusto niyang tanggalin ito sa balikat mo.

Ang pagbibigayan

Maaaring hindi ka sumang-ayon lagi sa mga bagay ngunit kapag gumagawa na siya ng aksyon para makita ang mga bagay sa pamamagitan ng iyong mga mata, ito ay isang malakas na senyales na malaki ang kanyang respeto sa'yo. Halimbawa, kapag pumayag siyang manood ng mga romantic-comedy na palabas kahit na ayaw niya ang mga chick flicks, ito ay senyales na mas mahalaga ang kasiyahan mo at hinahayaan niyang ang puso niya ang mag-desisyon kung saan nito gusto.

Kapag mahal ka ng isang tao, hindi niya na papatagalin pa na sabihin ito sa'yo. Kaya kapag nag-iisip ka na kung ano ba ang nararamdaman niya, alalahanin lamang ang mga senyales na ito para maalis ang duda mong may mas malalim siyang nararamdaman para sa'yo.

Ano sa tingin mo? Paano ba pinapakita ng iyong kabiyak na mahal ka niya? Ibahagi ito sa amin sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version:5 Signs That He Loves You

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?