Anim Na Epektibong Pamamaraan Upang Maipakita Sa Iyong Girlfriend Ang Iyong Pagpapahalaga

Sa panahon ngayon dahil sa dami na ng gulo, madali na lamang maghangad mula sa iba lalo na sa mga taong malapit na sa iyo. Ngunit maaari lamang itong maging banta sa iyong girlfriend kaya naman kung masaya ka sa inyong relasyon, kailangan mong ipakita sa kaniya ang iyong pagpapahalaga ng hindi naghahangad ng anumang kapalit.

Kung napapansin mo na para bang hindi ka naglalaan ng mas malaking effort sa inyong relasyon, o kaya naman ay ipinapakita na niya sa iyo na para bang nagsisisi siya sa iyo, ito ang maaari mong gawin upang maibalik ang lahat.

Pansinin mo ang kaniyang effort

Mas madalas ba na siya ang gumagawa ng hapunan ninyong dalawa kaysa sa iyo o kaya naman ay palagi na lamang siya ang nauuna sa paggawa ng anumang gawain? Ipaalam mo sa kaniya na nakikita mo ang mga ginagawa niyang effort. Ito ang pinakamadaling paraang upang maipakita ang iyong pagpapahalaga at hindi mo na kailangan pang sabihin ito sa isang espesyal na pamamaraan, sabihin mo na lamang ito kaagad. Tandaan na anumang mangyari ay magkasama kayo palagi, kaya mula ngayon panatilihin mo siyang maging masaya sa ilang matatamis na mga salita ng pagpapahalaga.

Tulungan mo siyang magrelax

Anuman ang kaniyang ginagawa, nasa trabaho man, sa paaralan, o nasa bahay habang wala ka, tulad mo lamang siya na madali ring mapagod. Simula pa man pagkabata ginawa na ang mga lalaki upang magdala ng anumang mabibigat na bagay kaya walang halagang pagkumparahin ang mga paghihirap, ipakita mo na lamang ang iyong pagpapahalaga.

Gawin mo na lamang ang iyong magagawa upang matulungan siyang makapagrelax at malimutan ang kaniyang mga problema kahit na sa maikling panahon lamang. Manuod kayo ng gusto niyang palabas sa isang malamig na gabi at maupo ng magkasama. Gawang mo siya ng hapunan o kaya naman simula ngayon ay masahiin mo na ang buo niyang katawan. Ang buhay ay puno ng paghihirap, ang mahalaga lamang ay parati kang naririyan upang tulungan siya.

Paglaanan mo siya ng oras

Maaaring maging abala ka sa iyong mga responsibilidad, ngunit huwag mong hayaang mapunta sa punto na hindi mo na siya maaya pang lumabas o gumawa ng anumang bagay na kasama siya. Alam niya kung gaano ka kaabala, kaya ang paglalaan ng oras para sa kaniya ay nagpapaalam kung gaano siya kahalaga sa iyo. Kapag may nagugustuhan siyang bagong kainan nitong mga nakaraang araw, paglaanan mo siya ng oras at surpresahin.

Pakiramdam niya ba na para bang wala siyang gagawin ngayong darating na linggo? Sa gayon samahan mo siya at mahiga kayo ng magkasama at panandaling kalimutan ang inyong mga problema. Mapapahalagahan niya ang oras na inilaan mo para makasama siya.

Makinig

Paniguraduhin mong nakikinig ka sa tuwing siya ay nagsasalita, kahit na kung kayo man ay may pinagtatalunan. Huwag mo itong balewalain dahil maaaring maging senyales lamang ito na wala kang pakialam sa mga pangangailangan niya. Kapag kayo ay may pinag-uusapan, hintayin mo siyang matapos at maging magalang sa kaniyang mga opinyon. Makatutulong ito upang malaman mo kung ano ang kaniyang gusto at kailangan.

Patunayan mo

Kasama ito ng mga nauna pang hakbang sa itaas. Ipaalala mo ang mga bagay na maaring nakalimutan na niya. Magpapatunay lamang ito na binibigyang pansin mo ang kaniyang mga kagustuhan at ayaw mo na malimutan niya ang anumang mahahalagang bagay sa inyong dalawa. Ang isa pang paraan upang ipaalala sa kaniya na pinapahalagahan mo siya ay ang pagbibigay sa kaniya ng mga bulaklak kahit wala namang dahilan. Isa ito sa magiging dahilan ng iyong masayang pag-uwi at ang magsisimula ng isang magandang gabi para sa inyong dalawa.

Maging lalaki

Ipakita mo sa kaniya na isa kang responsableng tao. Sa ibang salita, magiging lalaki ka. Huwag kang kumilos ng para bang bata kapag kayo ay may pinagtatalunan. Makinig ka kapag may gutso siyang patunayan sa iyo at baguhin mo ang iyong pagkilos hanggat maaari. Kailangan ng isang babae ang isang kagalang-galang at responsableng lalaki kaya kumilos ka ng maayos at paniguradong mapapahalagahan din niya ito.

Ang pagbibigay atensyon ay mahalaga sa anumang relasyon, kaya gawin mo ang iyong parte upang mapatunayan na pinapahalagahan mo siya. Tandaan na palagi mong ipadama ang iyong nararamdaman sa kilos at salita, dahil balewala ang pagpapahalaga kung hindi mo naman ito isinasagawa. Marami pang ibang mga babae sa mundo ngunit siya ang pinili mo. Muli, pinili mo siya. Kaya panindigan mo ang desisyong iyon, at magiging ganoon din siya sa iyo.

May alam ka pa bang mga ideya upang maipakita sa kaniya ang iyong pagpapahalaga? Ibahagi ang iyong kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: 6 Effective Ways To Show Your Girlfriend Your Appreciation

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?