Anim Na Paraan Upang Ipaalam Sa Iba Na Girlfriend Mo Siya

Naririyan ang mga pagsubok lalo na kung ikaw ay nakikipagdate sa isang magandang babae, at ang isa sa pinakamalaki at pinaka-nakakainis sa lahat ay ang pagkakaroon ng ibang kakompetensya. Kung ikaw ay kikilos sa isang paraan o sa iba na kung saan ay nakadepende sa iyong personalidad, mas maganda na isipin mo muna kung paano tutugon mula sa iba pang nagkakagusto sa iyong kapareha ng hindi ka nagmumukhang sobrang nagseselos.

Paga-anin mo lang

Kung nakakahuli ka man ng ilang mga pagtititig, mas makatutulong na hindi mo ito gaanong seryosohin. Magpatawa ka sa kaniya tungkol sa kung paano ang mga malamyang mata ng isang lalaki ay gumaling sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kaniya. Gusto ng mga babae ang tumawa. Ang isang magaan na pagpapatawa ay makapagsasabi sa kaniya ng problema na hindi nagdudulot ng ibang impresyon na ikaw ay natatakot. Bigyan mo ng isang mabilis na tingin ang lalaki sa kaniyang mga mata upang ipaalam sa kaniya na nakita mo siya.

Panatilihin mo siyang malapit sa iyo

Kung kayo man ay nasa mataong lugar, paniguraduhin mong hindi siya malalayo sa iyo. Kung hindi, maaaring maghanap siya ng iba at makipag-usap sa lalaking interesado sa kaniya. Panatalihin mo lamang na malapit ka sa kaniya at hanggat maaari ay akbayan mo siya upang ipaalam sa iba pang mga lalaki na sa iyo na siya.

Bigyan mo sila ng palabas

Ang pagpapakita sa publiko ng iyong pagmamahal sa isang babae ay sadyang nakakakilig ngunit maaari rin itong maging isang malaking paraan upang ipaalam sa iba na hindi na siya pupwede. Kapag nagbigay ng pagtitig ang isang lalaki sa isang babae at binigyan siya ng isang halik, ito ay isa sa mga paraan upang matigil na ang paghahangad ng iba sa kaniya. Makakatulong din ito upang maging tapat sa iyong kapareha. Sabihin mo sa kaniya na ano naman kung ginawa mo ito ang mahalaga ay hindi mawala ang tiwala niya sa iyo.

Hikayatin mo siya

Puwede mo ring yayain ang iyong kapareha na samahan ka sa iyong lakad upang ipaalam sa iba pang kalalakihan na sa iyo na siya. Hayaan mong ipaalam niya sa iba pang nagkakagusto sa kaniya na kayo na. Mas magiging malinaw ito kung magmumula mismo sa kaniya at paniguradong matitigil na ang pagtingin sa kaniya ng iba.

Gayunpaman, huwag mong hayaan na gawin niya ito ng mag-isa. Tumabi ka sa kaniya at tumingin ng diretsyo sa kanilang mga mata habang siya ay nagsasalita sa kanila.

Panatilihin mo itong maging masaya

Hindi ka dapat mamroblema sa iilang pagtingin lamang lalo na kung may tiwala ka sa inyong relasyon. Huwag kang matakot at magtiwala lamang na hindi niya susuklian ng pagtingin ang iba.

Kung nababahala ka dahil dito, huwag mong sabihin sa kaniya ang tungkol dito kung hindi, magpokus ka na lamang sa pagpapasaya sa kaniya. Tandaan na ang pinakamabisang paraan upang masaktan mo ang iyong mga kaaway ay ang mamuhay ng maayos, kaya ngumiti kang kasama siya at paniguradong titigil sila.

Kumilos ka

Habang ang mga paraang nasa itaas ay makatutulong upang matigil na ang mga mapaglarong pagtitig sa kaniya ng iba, may iba rin namang pagkakataon na kailangan mo na talagang kausapin ang iba pang nagkakagusto sa kaniya. Kung nakikita mong palagi niyang sinusundan ang iyong babae, oras na para ikaw na mismo ang magpatigil sa kaniya. Sabihin mo sa kaniya na nakikita mo kung paano niya nilalandi ang iyong kapareha. Maging marespeto ngunit ipakita mong matapang ka upang maipakilala mo ang iyong sarili bilang isang lalaki na minamahal ng magandang babaeng iyon.

Mayroon ding ibang pagkakataon na kung saan ay nakasuot ng maikling damit ang iyong kapareha na umaakit sa mas maraming tagahanga. Habang hindi namang masama ang magmukha siyang sexy sa iyong paningin, makatutulong na sabihin mo sa kaniya ng may paggalang na kung maaari ay medyo habaan niya ito lalo na kung madalas na nangyayari ang ganoong pagkaakit ng iba sa kaniya.

Kaysa mamroblema, tignan mo na lamang ang magandang bahagi ng pagkakaroon ng isang babae na nakakapukaw ng atensyon ng iba. Ibig sabihin lamang nito ay may ibang nagnanais na maging ikaw at makuha kung ano ang mayroon ka. Sa pagsagot ng may buong paggalang, ipinapakita mo sa iyong babae at sa mga lalaking iyon na tama siya ng naging desisyon ng pagpili sa iyo.

Paano mo hinaharap ang pagtingin ng iba sa iyong kapareha? Ikumento mo sa amin.

Please click the link for English version: 6 Ways To Tell Onlookers That Your Girl's Taken

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?