Isurpresa Ang Iyong Kadate Sa Bagong 10 Pamamaraan Ng Paghalik

Ang pakikipaghalikan ay isang masayang paraan upang makapagbahagi ng isang nakapapanabik na sandali sa isang tao. Ipinapakita lamang nito kung gaano mo siya kagusto, na ang iniisip mo lamang ay kung paano mo siya mahahalikan sa mga sandaling iyon. Kapag nais mong pagsama-samahin ito at sumubok ng bago, bakit hindi mo subukan ang mga bagong pamamaraan ng paghalik na ito? Makasisiguro ka na ang iyong kadate ay maghahangad pa para rito.

Pagbawi ng Halik

Maaari ka pa ring magdagdag ng ilang lemento ng pabiro kahit na ginagawa niyo na ang isang mainit at matinding paghahalikan. Bawiin mo kaagad ito at tumingin sa kaniyang mga mata. Susubukan ka niyang hilain pabalik at muling makipaghalikan sa iyo. Huwag kang bumigay! Bigyan mo siya ng maraming paunti-unting halik paikot sa kaniyang mga labi hanggang sa hindi na siya makatanggi pa.

Umuulang halik

Sabihin nating naglalakad kayo ng iyong kadate habang umuulan, hilain mo kaagad siya at bigyan siya ng mahabang paghalik ng walang hawak na payong. Ang ideya na hindi ka na makapaghintay pa at gusto mo na talaga siyang halikan ay makapagpapatigil sa kaniya. Ganoon din, sino naman ang hindi gustong maramdaman ang katulad ni Allie sa kuwento ng “The Notebook?” Ang lahat ng babae ay nangangarap na magkaroon ng Noah na biglang hahawakan ang kanilang mukha at sabay hahalikan sila. Na sadyang walang katumbas kahit na mabasa pa ang kaniyang damit.

Pakiliting halik

Subukan mong gumamit ng bago sa pamamagitan ng pakiliting halik sa pagitan ng kaniyang mga labi. Gamitin mo ang iyong mga pilik-mata at itama sa kaniyang pisngi, leeg o noo. Ang paggawa nito ay nakapagbibigay ng magaan na pakiramdam sa bahaging iyon na kung saan ay iniiwan siyang naghahangad pa. Gawin mo ito kasama ng dahan-daang paghalik.

Palitang Halik ng mga Labi

Marahil ay hindi ito lubos na orihinal. Una itong ginawa ni Spiderman at Mary Jane. Gawin mo halos katulad nito at ihiga ang iyong kapareha upang mahalikan mo ang kaniyang mga labi pababa at paitaas. Magiging kakaiba ang pakiramdam lalo na ang marahang pagkagat sa pang ibabang labi ng isat-isa .

Walang katapusang Halik

Ito ay ang marahang paghalik na gusto mong masubukan sa taong palagi mo ng kadate. Dahan-dahan kang magsimula sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang pisngi. Ilapit ang iyong mukha sa kaniya at halikan ang kaniyang pisngi. Pagkatapos, ilapat ang iyong mga labi sa kaniya at marahan siyang halikan. Huwag mo itong madaliin. Damhin mo ito at ikaw ang magsimula. Matapos ang mga sandaling ito, hayaang mong siya naman ang manguna. Pareho kayong madadala sa mga sandaling iyon mula sa mariin ninyong paghahalikan.

Pabiglang Halik

Habang hinhintay ka ng iyong kadate sa labas ng apartment o sa isang restaurant, surpresahin mo siya ng isang halik. Yakapin mo siya mula sa likod at kapag umikot na siya, bigyan mo siya ng halik sa kaniyang mga labi. Mapapahalagahan niya ang iyong surpresa at maaaring humarap pa siya patungo sa iyo at ipagpatuloy ang inyong paghahalikan.

Paghingang Halik

Kung hindi ka komportable sa pagpapakita ng inyong pagmamahalan sa publiko, maaari mo pa ring halikan ang iyong kadate na hindi ginagamit ang iyong mga labi. Dahan-dahan kang lumapit at itapat ang iyong ilong sa kaniyang tainga, leeg, o pisngi at malalim mong amuyin ang kaniyang pabango. Mararamdaman niya kung ano ang iyong gusto na makapagbibigay sa kaniya ng senyales kung ano ang mangyayari mamaya kapag nasa pribado na kayo.

Makapangyarihang Halik

Minsan, hindi sapat ang mga labi para maipakita mo kung gaano mo kagusto ang isang tao. Gamitin mo ang iyong mga kamay upang hilain siya papalapit sa iyo at hawakan ang kaniyang bewang, binti o leeg bago makipaghalikan. Ito ang magdadala sa iyong kapareha na para bang lumulutang sa alapaap.

Pabirong Halik

Lumapit ka sa mukha ng iyong kadate na sapat lamang para magpantay ang inyong mga labi at lumayo ng dahan-dahan. Ulitin mo ito ng ilang beses bago mo siya tuluyang halikan. Ang paghihintay ang magdadala para mas lalong mapahalagahan ng iyong kadate ang huli mong halik.

Pasalitang Halik

Humalik habang bumubulong sa kaniyang mga labi. Sadyang magiging kapana-panabik ito para sa iyong kapareha na kung saan ay magdadala sa magandang kondisyon sa isang romantikong pakikipaghalikan.

Huwag kang matakot na subukang gawin ang mga bagong pamamaraan na ito ng paghalik. Mauuwi kayo sa pagkasabik sa isat-isa na magiging bagong paborito ninyong paraan ng paghalik.

Mayroon pa ba kayong alam na kakaibang paraan kung papaano mahalikan ang iyong kapareha? Ibahagi ito sa amin sa ibaba!

Please click the link for English version: Surprise your Date with these 10 New Ways of Kissing

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?