Mga Epektibong Paraan Para Iwanan Ang Nakakatakot Na Lalaki

May mga nagkakagusto naman talaga sa atin, ngunit hindi rin naman natin maiiwasan na may nakakatakot na lalaki na hindi ka talaga tatantanan. Kapag ganito ang nangyayari, dapat lang na agad siyang mawala sa buhay mo. Minsan, hindi rin maiiwasan na magkaroon ng hindi mo naman gustong atensyon at nakakaloko ito kapag hindi mo agad naisaayos. Kaya kapag may stalker ka na lagi kang sinusundan matapos ang isang gabi sa bar o nakakatanggap ka ng mga hindi kanais-nais na aksyon, dapat kumilos na at sundin ang mga tips na ito.

Maging pranka

Huwag matakot na sabihin ito ng harapan. Ito ang pinakamadaling paraan para sabihin sa kanyang hindi ka interesado sa kanya at iwanan ka na lang ng mag-isa. Sa pagsasagawa rin nito ay maiiwasan na makakuha pa siya ng magulong mensahe na may papatunguhan pa kayo. Huwag maging bastos. Huwag din naman maging mahiyain masyado. Magpakita ng respeto para hindi mo siya mapahiya sa madla kapag nagkita kayo. Makakatulong din itong mabawasan ang tsansa na gantihan ka niya matapos ang isang beses na mapahiya mo siya sa bar.

Kapag nagsimula pa siyang lumala, malaya ka na sabihin na sa iba kung ano ba ang nangyayari. Sa mga espesyal na kasong tulad na nababastos ka sa mataong lugar, katulad sa tren, epektibo na ipahiya mo siya sa publiko. Maganda lang na gawin mo ito kapag naging abusado na talaga siya sa'yo.

Umalis na lang

Kapag nilapitan ka ng nakakatakot na lalaki, ikaw na ang magpasintabi at umalis. Mas maganda rin na may mga kaibigan kang kasama para hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na masundan ka. Kung wala kang kasamang kaibigan, makisalamuha na lang sa maraming tao sa halip na maglakad ng mag-isa.

Magkunwari ka na lang na may kausap at makikipag-kita sa isang kaibigan mo. Tumawag ng taxi kapag nagmamadali kang umalis. May mga application sabiyong phone para makakuha kaagad ng taxi, para hindi mo na kailangang lumabas sa maingay na bar at baka may magtangka pang lumapit sa'yo habang mag-isa ka.

Huwag ito itago sa iyong sarili

Hindi magandang ideya na isikreto na may lalaking patuloy na sumusunod sa'yo matapos na sabihan mo siyang iwanan ka na lang niya. Ang mga kaibigan, pamilya at mga katrabaho mo ay makakapagbigay sa'yo ng payo kung ano ang pinaka-mainam na gawin at sisiguraduhin na hindi ka maiiwan mag-isa. Makakapag-pababa ito ng pagkakataon na malapitan ka na niya ng hindi mo inaasahan. Kapag ang lalaking ito ay kasama mo sa trabaho, makipag-usap sa may mataas na posisyon o sa human resource department para makatulong sa'yo kung paano ka tutugon sa problemang ito.

Huwag ng tumugon

Kapag patuloy pa rin siyang nagpapadala ng mensahe sa'yo, huwag na huwag ka ng tutugon dahil baka akailain niyang positibo ang mga ito (kahit na sinabihan mo na siyang iwanan ka niya ng mag-isa). Ang kahit na anong pag-tugon ay magbibigay lamang ng lakas ng loob sa mga ganoong klase ng lalaki, at makukuntento na siya sa mga tugon mo kahit na negatibo pa ang gusto mong iparating. Huwag mo na lang siyang pansinin; palagpasin na lamang ang kanyang interes sa'yo.

Tumawag ng pulis

Kapag nagpatuloy pa rin siyang sundan ka kahit na paulit-ulit mo na siyang inayawan, makipag-usap na sa pulis. Bibigyan ka nila ng payo para maging ligtas sa mga sitwasyon na maaari mong maranasan. Iwasan ang maglakad ng mag-isa kapag gabi at palaging i-update ang iyong pamilya at kaibigan kung nasaan ka. Kapag mag-isa ka namang naninirahan, gugustuhin mo na may makasama kang kaibigan hanggang sa humupa ang sitwasyon.

Kaya kapag naranasan mo ang ganitong sitwasyon, kung saan ay nakakakuha ka ng hindi mo naman gustong atensyon, subukan ang mga bagay na ito para manatili kang ligtas. Ikintal ito sa isipan kapag nasa labas ka at manigurado na marami ka pang makikitang lalaki na disente at respetado. Marami pa riyan!

May iba ka pa bang mga ideya para maitaboy ang mga nakakatakot na lalaki? Ibahagi ito sa mga komento sa ibaba. Magugustuhan namin na makarinig mula sa inyo.

Please click the link for English version: Effective Ways To Ditch A Creepy Guy

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?