Mula sa nag-gigitata patungo sa pagiging Hottie; Paano mapapaunlad ang kanyang kalinisan

Ang panatilihin ang kalinisan ay importante para sa lahat. Hindi naman ito tungkol sa pagiging gwapo o maganda. Ang maayos na kalinisan sa katawan ay kasing importante ng pagpapanatili ng malusog na pamumuhay. Maiiwasan niyo ang mga sakit at pinapaayos ang pangkalahatang pagkatao. Ang mahinang kalinisan, sa kabilang banda, ay masama sa katawan at nakakaabala.

Kapag ang boyfriend mo ay may problema sa pagsunod ng kanyang mga kailangan sa kalinisan, hindi lamang nito maapektuhan ang kanyang kalusugan, ngunit pati na rin ang inyong relasyon. Ang halikan ang isang taong mabaho ang hininga o makating balbas, o matulog sa tabi ng malakas ang amoy ng katawan, ay ilan lamang sa mga bagay na hindi mo gugustuhin sa isang relasyon. Panigurado, magugustuhan mo siyang kasama kapag alam niya kung paano niya aalagaan ang kaniyang sarili.

Para matulungan ka, narito ang ibang tips kung paano niya mapagtutuunan ng pansin ang kalinisan.

Ipakita ang iyong pag-aalala

Walang ibang mas magandang paraan para gawin ito; sabihin mo sa kanya na may bagay kang hindi nagugustuhan. Umupo ka sa tabi niya at ihayag ang mga alalahanin mo tungkol sa kanyang kalinisan.

Gayunpaman, iwasan ang nakakabastos at nakakasakit na mga salita. Bagkus, sabihin mo kung ano ang nagustuhan mo sa kanya at tsaka ipasok ang mga bagay na nakakaabala sa'yo.

Halimba, hindi pa siya nag-aahit ng kanyang balbas sa loob ng ilang buwan, hayaan mong malaman niya na gusto mo siyang halikan ngunit hindi maganda sa pakiramdam ang kanyang balbas sa iyong pisngi. Makakasigurado rin siya na ganoon pa rin ang kanyang itsura kahit na wala siya nito.

Mag-grocery shopping ng magkasama

Pumunta sa grocery store ng magkasama at pilitin siyang pumunta sa hygiene section at kuhain ang mga mahahalagang bagay. Sabihin sa boyfriend mo na napapansin mong malapit ng maubos ang mga gamit niya sa banyo tulad ng shampoo, sabon, deodorant at iba pa. Ilagay lahat ng mga kinakailangang ito sa cart.

Gayunpaman, kapag hindi ninyo kayang pumunta sa grocery store dahil sa ilang kadahilanan, pwedeng ikaw na ang kumuha ng kanyang mga toiletries kapag may libre kang oras. Kapag mabaho ang kanyang buhok dahil madalas niyang hindi ito hinuhugasan, pumili ka ng mabangong shampoo. Kapag binigay mo ito sa kanya, sabihin mo na lamang na nagustuhan mo ang amoy nito kaya mo ito binili.

Maglaba ng magkasama

Kapag ang boyfriend mo ay nakasanayan ng suotin ang kanyang damit ng higit pa sa dalawang beses dahil tinatamad siyang maglaba o wala siyang oras dito, ano kaya kung ikaw na ang magsabi na labahan ito ng magkasama.

Karamihan ng lalaki ay itinatapon na lang ang kanilang damit sa kung saan-saan matapos itong hubarin at ito ang nagpapahirap sa kanila na malaman kung ano ba ang malinis o hindi. Para maiwasan ang pag-amoy ng bawat damit na makikita niya, maaaring kuhaan mo siya ng hamper para madali niyang makikita ang madumi at malinis niyang damit.

Paalalahanan siya tungkol sa kalinisan

Magbigay ka kada oras ng mga paalala tungkol sa kanyang kalinisan. Hindi namang kailangang sabihin mong "Mag-sepilyo ka ng tatlong beses sa isang araw" o "Maglagay ka ng deodorant tuwing umaga".

Ang mga paalala ay maaari sa kahit na anong uri, tulad ng paglalagay ng bote ng liquid soap sa lababo, paglalagay ng kanyang toothbrush malapit sa salamin sa banyo o ayusin ang mga toiletries sa mas madaling makuhaan. Sa ganitong paraan, makikita niya ang mga produktong ito para sa kanyang hygiene at hindi na makakalimutang gamitin ito.

Linisin ang bahay ng magkasama

Ilaan ang libre niyong oras ng magkasama na linisin ang bahay. Ang kapaligiran ng isang tao ay nakapagpapabago ng kanilang pag-uugali. Kaya, kung gusto mo ng malinis na bahay, baka gustuhin niya ring maging malinis.

Kahit na gusto mong tumambay na kasama ang boyfriend mo, hindi mo maitatangging hindi ka naaabala ng kababaan ng kaniyang kalinisan. Kapag nabuhay na siya ng ganoon ng mas mahabang panahon, may mababang pagkakataon na magbabago siya ng siya lang. Kaya, tulungan mo siyang malagpasan ito at hindi sa katagalan, mula sa pagiging nag-gigitata ay maging hottie pa siya.

May iba ka pa bang tips kung paano pauunlarin ang kalinisan ng iyong boyfriend? Mag-iwan ng iyong iniisip sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English Version: From Sloppy to Hottie How to Make Him Improve His Hygiene

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?

comments powered by Disqus