Paano Magsisimula Ng Usapan Sa Babaeng Hindi Mo Naman Kilala

Nakakita ka ng magandang babae sa kabilang banda ng silid at gusto mong makipag-usap sa kanya. Ang problema lang naman ay dapag hindi ka magmumukhang arogante sa kanya. Maaaring nasa iyo na ang lahat pero hindi pa naman niya ito alam. Kapag maganda nga siya at nararamdaman mong mahihiya kang lapitan siya, mas malaking problema pa ito. Maaaring madalas na rin siyang nilalapitan ng ibang lalaki at parang napapagod na siyang tanggihan ang mga tulad mo.

Hindi naman kailangan na laging ganito ang mangyari. Kasama ang tamang pag-uugali at paglapit, makakausap mo ang kahit na sinong babae ng walang takot.

Ihanda ang iyong sarili sa kanyang pag-tanggi

Ang posibilidad na tanggihan ka ay laging nariyan kaya maganda na ring handa ka. Kapag wala ka ng pakialam kung tatanggihan ka ba niya, ay mas magandang pagkakataon para lapitan ang kahit na sinong babae dahil ang tiwala mo sa iyong sarili ay hindi na naka-base sa kung magugustuhan ka ba ng iba. Kapag tinanggihan ka niya, tingnan na lang ito bilang isang magandang bagay at matuto mula rito. Masasanay ka na lang na tanggihan na dumating sa pagkakataon na hindi na gaanong nakakahiya ang lumapit sa isang babae.

Kunin ang kanyang atensyon gamit ang inyong mga mata

Tingnam siya at lumingon sa ibang direksyon kapag nakita mong nakatingin siya. Sa bawat pagkakataon na titingnan ka niya para tingnan kung nakatingin ka pa rin sa kanya, titigan siya at ngumiti. Makakabuo ito ng tensyon at maghahanda siya sa paglapit mo. Wala namang may gusto na biglang may titingin na lang sa kanya. Kapag hindi niya binabalik ang mga tingin mo, huwag kang mag-alala. Mabuti ng nalaman mo kung ano ang mangyayari kung itutuloy mo pa rin na lapitan siya.

Gumagana rin ang pagka-ilang paminsan-minsan

Kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kanya, ilayo ang tingin na para bang nahihiya ka sa kanya. Kapag nakikipag-usap ka sa mga kaibigan mo, magmukha na para bang nawalan ka ng pokus dahil nasa isipan mo na siya. Sa iba, mas maganda ang maging mahiyain kaysa sa mga arogante. Maaaring kapantay mo lang ang kanyang pagiging mahiyain at masisiyahan siya na kailangan mo pang mag-ipon ng katapangan para lang malapitan siya.

Gumalaw ka

Tigilan na ang labis na pag-iisip at lumapit na lang sa kanya. Ngumiti, ilahad ang iyong kamay at bumati. Kapag swertre ka, ibabalik niya iyon ng isa pang ngiti sabay sabi ng kanyang pangalan. Tanungin kung kamusta siya, sabihin kung bakit mo siya nilapitan at tingnan kung saan ba makakarating ang inyong usapan.

Patawanin siya gamit ang iyong talino, hindi ng mga pick-up line

Mas maganda kung mapapatawa mo siya gamit ang talino mo kaysa sa mga wala namang kalatoy-latoy na pick-up lines. Para lang sa mga may-alam ang pick-up lines. Wala ka naman masyadong alam dito. Isa kang lalaki na interesado na magkaroon ng makatotohanang koneksyon sa isang babae.

Ang pagbibiro ay pwedeng mapatawa siya sa ilang sandali ngunit ang pagbibigay ng matalinong obserbasyon at nakakatawang pag-pansin sa inyong usapan ay ang karaniwang magugustuhan ng mga babae- nakakatuwa at 'charming' na lalaki. Sa oras na mapatawa mo siya ng ilang beses, makakausap mo na siya ng mas mahaba. Subukan na masanay ka sa mga kaibigan mo at hindi magtatagal ay magiging natural na lang ito sa'yo.

Bigyan siya ng totoong papuri

Maaaring paulit-ulit na niyang narinig ang parehong papuri kaya maging malikhain hangga't possible. Nakakaloko ang mga ganito kaya siguraduhing huwag nakakabastos ang masabi mo. Maging magaan lamang at sundan ito ng nakakatawang bagay. Hindi mo lang siya mapapangiti, mapapatawa mo pa siya ulit!

Maging gentleman

Gusto ng mga babae ang mga gentleman. Hindi lang ang mga pagbubukas ng pinto o paghihila ng upuan ang mga paraan para lang masabi na mabait sila ngunit para rin masabing gentleman nga sila. Nalalaman ng mga babae kung nagkukunwari lang ang mga lalaki. Kailangan ng oras para lang magkaroon ng ganitong pag-uugali ngunit sa oras na masanay ka na, hindi na magiging mahirap ang magpa-impress sa isang babae kung gaano ka kabait at marespeto.

Ikintal lang ang mga tips na ito sa iyong isipan at wala ng babae sa mundo ang mahihirapan kang lapitan.

Kailan ang huling beses na lumapit ka sa isang babae? Ano ang nangyari? Ipaalam mo naman sa amin sa mga komento!

Please click the link for English version: How To Strike Up A Conversation With A Girl You Don't Know

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?