Paano mo malalaman kung ang lalaki ay isang "Player"

Sa karaniwan, ang mga manlalarong lalaki ay siyang nakikipag-date sa maraming babae ng sabay-sabay, madalas na tinatago ang isa sa isa pa. Malamang lang na ang mga manlalaro ay hindi binubuksan ang kanilang laro sa lahat. Kahit na sinong lalaki ay pwedeng maging 'player', kung isa man siyang kaibigan o isang taong gusto mong maka-date.

Kahit na madaling malaman kung sino ba ang kabilang sa kanila, lalo na kung ganito na sila sa loob ng maraming taon, mayroong mga palatandaan para malaman mo kung siya ay isang manlalaro o hindi. Iligtas mo ang iyong sarili sa pagkawasak ng puso at alamin kung sino ang player kahit na malayo pa lang.

Siya ay makasarili

Ang isang manlalaro ay hindi naman talaga interesado sa'yo dahil ang totoo, sa sarili niya lamang siya may pakialam. Magaling siyang magkunwari na interesado siya sa'yo, sa mga pupuntahan mo at sa buhay mo. Lahat ng iyon ay pagkukunwari lamang! Maaaring magtanong siya ng mga bagay na tungkol sa'yo ngunit mabilis ding babalik ang paksa sa kanya. Gustong-gusto niyang pinag-uusapan ang kanyang sarili.

At dahil nga sarili lamang niya ang may pakialam siya, hindi na niya iintindihin pa ang ibang detalye ng iyong buhay o ng problema mo. Wala siya kapag kailangan mo siya dahil malinaw na na wala siyang planong makipag-relasyon sa'yo ng seryosohan. Ang mga hindi manlalaro lamang ang magpapakita ng alaga ng higit pa sa kanyang sarili.

Mas madaling maaalala ang mga detalye ng maramihang kapareha kapag hindi mo siya tinatanong, hindi ba?

Iba ang kanyang pakikitungo sa paligid ng kanyang mga kaibigan

Ang mga players ay parang mga hunyango na nagpapalit ng kulay depende sa kanyang kapaligiran. Kapag bigla siyang nagbago bilang isa pang tao kapag kasama niya ang kanyang mga kaibigan, at para bang hindi mo na siya kilala, maaaring player nga siya. Kapag nanglalambing siya kapag kayong dalawa lang ngunit umaakto na parang hindi siya intereado sa'yo kapag may ibang tao na, pwedeng dahil pinoprotektahan niya ang kanyang imahe bilang isang player. Hindi niya gugustuhing makita siya ng mga kaibigan niya bilang maginoo!

Ang mga tulad nila ay kadalasang hindi pinapaalam sa kanilang kaibigan kung sino ba ang kanilang ka-date. Kapag siya ay isang player, hindi ka niya agad ipapakilala sa mga kaibigan niya. Maaaring sa iba na alam kung ano ang ginagawa niya ngunit hindi sa may potensiyal na ibuking siya.

Siya ay malihim kung saan ba siya pumupunta

Kung siya ay tapat, hindi siya magkakaroon ng problema na sabihin kung nasaan siya o kung ano ang kanyang ginagawa. Kapag palagi siyang tumatakas at malihim kung saan ba siya pumupunta, siya nga ay isang tunay na player! Isa sa mga malaking rason kung bakit hindi niya sinasabi kung ano ba ang kanyang ginagawa ay dahil may kasama siyang iba. Kapag tinanong mo siya kung ano ba ang ginagawa niya ngunit ang paliwanag niya ay hindi tumutugma, pwedeng may tinatago siyang bagay, o mas malala ay iba pang tao.

Siya ay sobrang bait para maging totoo

Magaling na aktor ang mga manlalaro. Paniniwalain ka niya na siya ang lalaking hinihiling mo at wala ng iba pang papantay sa kanya. Mabilis kang mahuhulog sa ipinapakita niyang perkpektong awra. Sasabihin niya ang mga bagay na gusto mong marinig at gawin ang mga bagay na matutuwa ka. Magmumukha siyang perpektong boyfriend para lang makuha niya ang gusto niya sa'yo.

Ang kanyang presensya ay maganda lalo na kung inilalagay niya ang kaniyang sarili sa isang palabas. Ngunit sa oras na magsawa na siya sa'yo, titigilan na niyang gumawa ng mga paraan para mapasaya ka. Ang perpektong lalaki ay simpleng mawawala lang at hindi na malalaman kung nasaan ba siya. Kahit na sa text o tawag sa telepono.

Panatilihing bukas ang iyong mata sa mga palatandaan. Maaari mo rin siyang ikumpara sa mga lalaking kilala mo. Kapag patuloy ang paglabas ng kanyang pagiging player, maaaring isa nga siya.

May iba ka pa bang paraan para malaman kung ang isang lalaki ay player? Hayaan mong malaman namin ito sa mga komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Find Out If A Guy Is A Player

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?