Paano Mo Siya Mapapabalik Matapos Ka Niyang Iwan Ng Biglaan

Para sa maraming tao, ang pakikipaghiwalay ang isa sa pinakamasakit na karanasan na kanilang nadaanan. Ito ang pakiramdam na para bang guguho ang iyong mundo at ang iyong puso ay unti-unting winawasak. Maaari itong makapagpababa ng tiwala mo sa iyong sarili, pagpapahalaga sa iyong sarili, at halaga ng iyong sarili lalo kung ang paghihiwalay ninyo ay biglaan at hindi inaasahan.

Ang iba ay nagagawang makalimot kaagad mula sa sakit at tanggapin na lamang na tapos na talaga ang kanilang relasyon ngunit may iba naman na kumakapit pa rin sa mga alaala at sa kung paano kung. Alin kayo sa dalawang ito?

Kung nais mong mapabalik ang iyong kapareha matapos ka niyang iwan ng biglaan, mayroong ilang mga bagay na dapat mong malaman.

Tapusin mo ang inyong komunikasyon

Iwasan mong gumawa ng anumang pagtatangkang tumawag o magtext sa kaniya. Tigilan mo rin ang pagtatanong sa kaniyang mga kaibigan kung kamusta na siya dahil maaaring sabihin lamang nila ito sa kaniya at iisipin niyang sinusundan mo pa rin siya.

Ilayo mo ang iyong sarili sa kaniya. Ang kaligayahan ay hindi nakadepende sa kaniya, at dapat na malaman niya ito. Ang iyong emosyonal na kalayaan ay ang magtutulak sa kaniya para maging parte ulit ng iyong buhay.

Itigil mo ang paghingi ng tawad

Maaari kang huningi ng tawad sa maraming bagay matapos ang inyong paghihiwalay ngunit matapos nito ay iniwan ka pa rin niya. Iwasan mong humingi ng tawad sa ilang mga araw o linggo dahil maiinis lamang siya nito.

Hindi lamang sa sinasayang mo ang iyong oras, nagmumukha ka ring mahina at desperada. Bigyan mo siya ng impresyon na hindi ka apektado sa paghihiwalay ninyo. Ginawa mo na ang paghingi ng tawag. Ngayon oras na niya upang maisip ang iyong halaga. Kung hindi ito mangyari, ang inyong relasyon ay paniguradong tapos na nga.

Ipakita mo ang iyong mga katangiang nakapagpainlove sa kaniya

Alalahanin mo ang mga bagay na sinabing niyang nagustuhan niya sa iyo. Kung ito ang iyong abilidad sa pagpapatawa, mabuting paniniwala, pagiging matulungin, o mga pagkilos, ipakita mo ito. Ipakita mo ang mga katangiang nagustuhan niya sa iyo.

Kung makita ka niya sa ganitong mga katangian, maaalala niya ang taong minahal niya at ang mga sandaling kasama ka niya. Ito ang magtutulak sa kaniya upang gustuhing makipag-ayos muli sa iyo.

Ibalik ang mga dating alaala

Magbalik sa mga dating alaala at bigyan siya ng kalungkutan. Kung ikaw ay dumadalo sa mga pagtitipon na alam mong naroroon din siya, magsuot ka ng damit na gusto niyang nakikita sa iyo. Ito ay maaaring isang damit na naisuot mo na sa inyong memorable dates, ang gusto niyang kulay ng lipstick na inilalagay mo o ang pabangong gamit mo sa tuwing magkasama kayo.

Ibalik mo ang mga magagandang alaala na pinagsamahan ninyong dalawa at maaaring mapunta siya sa kaniyang katinuan at bumalik siya sa iyo.

Pagbutihin ang iyong sarili

Ito ang dapat mong gawin hindi lang para sa kaniya, kung hindi maging sa iyong sarili. Baguhin mo ang iyong hindi magagandang pag-uugali at simulang buuhin ang mabubuting gawa. Gawin mo ito para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan o ng iyong mga kinahihiligan.

Sa pagbubuod

Kapag nakita niya kung gaano ka nagbago para sa ikabubuti, maaari niyang ikonsidera na subukang ibalik ka niya sa iyo. Ngunit hindi mahalaga kung maging kayo muli o hindi. Ang mas mahalaga ay nagbago ka dahil alam mo na para ito sa ikabubuti.

Salita ng paalala: Kahit kailan huwag kang magmakaawa para balikan ka ng iyong ex. Hindi ito lubos na gagana para sa iyo. Walang sinuman ang may gusto na makakita ng desperasyon sa trabaho, depende na lamang kung ikaw ang tipo ng tao na pakikinabangan ito. Sa halip, ipakita mo sa kaniya kung gaano ka kahalaga. Malay mo? Siya na mismo ang magmakaawa para sa iyong pagmamahal ngayon.

Nasubukan mo na ba ang ilan sa mga paraang ito? Gumana ba ito o hindi? Ibahagi sa amin ang iyong kwento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Geth Him Back After He Dumped You

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?