Paano Mo Siya Mapapaibig Ng Labis Sa Iyo

Ang pagmamahal ay magpaparamdam ng kasiyahan at kabutihan sa isang tao. Sinasabi pa nga nila na ito ang nagpapabilog ng mundo. Ngunit angat sa lahat, ang pag-ibig ay napaka-komplikado. Kapag nakikipagkita ka na sa iba, maaring ang taong iyon ay hindi na gugustuhin pang baguhin ang kanilang nakasanayan. Pwedeng iniisip mo na ang pananahimik ngunit pansamantala ka lamang niyang gusto. Kapag hindi mo iniladlad ang tunay mong pagkagusto, maaaring hindi mo makuha ang relasyon na ginugusto mo. Para mapa-ibig pa siya sa iyo, narito ang ibang stratehiya na pwede mong magamit.

Suportahan ang kaniyang interes

Normal na ang magkaroon kayo ng magkaibang interes. Ngunit gusto mo siyang laging kasama, kailangan mong gumawa ng aksyon upang matutunan ang mga bagay na gusto niya. Hindi naman kailangan mawala ka sa proseso nito. Kailangan mo lang maging suportibo rito.

Halimbawa, samahan mo siya sa kaniyang upuan sa panonood ng paborito niyang grupo sa isports sa telebisyon. Suportahan mo ang paborito niyang grupo. Makakatulong na may mangilan-ngilan kang alam sa grupo na iyon. Tanungin mo siya tungkol sa kanila at magiging masaya siya na pag-usapan ang lahat ng tungkol kanila lalo na at pag naramdaman niyang totoo kang interesado. Mapapaibig mo siya lalo kapag nakikita niyang gumagawa ka ng hakbang para makilala siya.

Sa lahat ng panahon, obserbahan ang kalinisan

Huwag mong aasahan na ang lalaki ay palaging sasama sa iyo kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo. Kapag gusto mo talaga siya, subukin mong maging mabango at mag-mukhang malinis sa lahat ng panahon. Hindi naman ibig sabihin nito ay kailangan mong maligo ng pabango o magsuot ng tatlong patong ng kolorete. Hangga’t malinis kang tingnan at mabango ka, ayos na iyon. Isa pa, ang pagiging mabango ay malaking bonus sa inyong relasyon. Base sa isang pag-aaral, ang amoy ay magpapalabas ng atraksyon at alaala. Kaya, kapag gusto mo na ang lalaki ay lagi kang isipin, maglagay ka ng magandang pabango. Isang pabango lang ang gagamitin mo. Sa ganitong paraan, kapag naaamoy niya ang ganitong pabango sa kung saan, maiisip ka niya agad.

Ipakita mong kaya mo ang sarili mo sa pinansyal

Kahit na kadalasan ang lalaki ang umaako ng bayarin sa unang pagdidate, maaaring kang magsabi na hatiin ang gastusin ninyong dalawa. Importante ito lalo na’t kung matagal na kayong nagdi-date. Ang kagustuhan mong magbayad para sa sarili mo ay palatandaan na kaya mo ang sarili sa pinansyal.

Maaaring mamilit siyang siya na ang magbayad ng madalas ngunit ang pagbibigay ng malasakit ay pagpapakita ng gusto mo lang maging patas. Karamihan ng lalaki ay naaakit sa mga ganitong babae. Pinapakita mo lang na kaya mong ang sarili mo at nakikipag-relasyon ka hindi lamang para sa libreng pagkain.

Lutuan mo siya ng masasarap na pagkain

Katulad ng lumang kasabihan na “Ang daan patungo sa puso ng lalaki ay sa kaniyang tiyan.” Ito ay kadalasang totoo. Gusto ng mga lalaki ang masarap na pagkain, ngunit hindi lahat ng lalaki ay may panahon para lutuan ang kanilang sarili. Kaya kapag alam mo ang pagluluto, paniguradong hindi na siya bibitaw.

Kapag hindi mo alam magluto, huwag kang mag-alala. Madali kang matututo sa panonood ng tutorial sa internet. Marami ang pwedeng pag-ekspirementuhan.

Simulan mo sa pag-aaral ng kaniyang mga paborito hanggang sa iba pang galing sa iyo mismo. Paniguradong magugustuhan ka niya ng lubusan.

Sa pagbubuod

Lagi mong iisipin na huwag kang magpapanggap ng hindi tunay na ikaw, Kapag hindi mo siya napaibig sa tunay mong pagkatao, bakit ka pa magpapatagal sa relasyon ninyo? Kailangan ng tiyaga sa pag-ibig. Kaya pursigihin lang na paganahin ang mga bagay sa inyo ng iyong kapareha at pwedeng magkaroon kayo ng “happily ever after”!

May iba ka pang sikreto na maidagdag sa listahan? Ibahagi ang inyong naiisipan sa kumento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Make Him Fall Madly In Love With You

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?