Tips Para Sa Iyong Date

Ang maagang yugto ng pakikipag-date ay lagi isa sa mga pinaka mahirap isipin kaya sinusubukan niyo na ayusin ang inyong sarili habang inaalam nyo ang potensyal ng relasyon ng bawat isa. Kapag makikipagdate ka, hitsura ay isa sa mga pinakaimportante na hinahanap mo. Hindi mo nga makokontrol kung ano mangyayari kapag nakikipagdate ka pero mababago at maayos mo naman ang iyong hitsura. Ito ang mga tips na makakatulong sayo sa pakikipagdate:

Manamit na naaayon sa okasyon

Alamin muna kung anong klaseng date ka pupunta bago mamili ng susuotin. Ito ay makakatulong sa iyong pagpili ng susuotin at pumili ng susuotin na komportable sa iyong pakikipagdate. Kung pupunta ka sa mga picnic park, polo shirt, khaki shorts, at boat shoes ay mas angkop sa lalaki. Para sa romantic dinner at fancy restaurant, maiksing black dress para sa babae.

Mamili ng damit na bagay sayo

Ito ung mga damit na magandang tignan sayo. Hindi na kailangan ng tugma na label or style. Kapag maganda tignan sayo ang kasuotan, mas confident ka. Alam naman natin na ang confident ay minsan sapat na kahit na napakasimple ng iyong suot. Pumili ng damit na alam mong makakatanggap ka ng mga papuri. Subukan suotin ang mga damit sa iyong kabinet at piliin kung saan ka pinaka komportable.

Magpakita ng konting balat

Hindi mo na kailangan magsuot ng konserbatibong mga damit. Isaalang-alang na magsuot ng isang bagay na magha-highlight ng parte ng iyong katawan para mas confident ka katulad ng iyong biceps, flat tummy, o binti.

Maging malinis sa katawan

Ang pagkakaroon ng tamang kalinisan ay isa sa mga kailangan sa kahit anong klaseng date. Ang pangunahing kalinisan na hindi mo dapat kalimutan ay ang pagbrush ng iyong mga ngipin. Gusto mo ba na confident kang makangiti at magkaroon ng conversation na hindi nag-aalala kung may tartar ang ngipin o mabaho ang hininga.

Dapat maglagay ng deodorant sa kilikili at konting perfume. Kung may gusto ka pang iimprove sa sarili mo, pwede ka din pumunta ng salon para sa blow dry o kaya ipatrim mo ang iyong buhok. Kung mayroon kang balbas, itrim o ahitin mo. Para sa babae, subukan ang iyong best facial at light make up kaysa itago ang iyong mukha gamit ang make up cakey.

Panatilihing tuwid ang iyong likod

Walang magandang kasuotan kung ang isang tao ay hindi maganda ang kanyang postura. iwasan ang pag-slouching kahit na maganda ang iyong suot ay masisira ang iyong postura. Sanaying maglakad at umupo na nakatuwid ang iyong likuran. Hindi lang ito nakakabuti sa iyong kalusugan kundi nakakabuti din ito para magkaroon ka ng confidence. Kapag mas confident ka, mas maganda sa iyong hitsura.

Magandang katawan na kalagayan

Mas bigyan pansin ang iyong kalooban kaysa sa labas na anyo at alam mo ba kung paano ito nagkakaroon ng magandang epekto sa ating hitsura? Mga araw bago ang iyong date, siguraduhing may sapat na tulog. Mag-workout para magkaroon ng magandang postura at uminom ng madaming tubig. Ang tubig ay nakakatulong para mabilis kang mabusog at kaunti ang iyong makain at nakakapagpaganda din ito ng ating balat.

Tandaan, hindi palagi na lang hitsura ang basihan, mas makakabuti kung magpapakatotoo ka sa iyong sarili. Bigyan ng atensyon ang iyong kadate, ienjoy ang kaniyang company, maging positibo, at mapapansin ito ng iyong kadate. Baka mamaya ikaw ay masurprise kung sakaling magustuhan kaniya sa pagiging ikaw, bonus na lang ang iyong hitsura

May gusto ka bang idadag? Ipaalam sa amin ang iyong karagdagan sa comments!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for english version: Tips for looking your best on a date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?