5 Hakbang Para Mag-simula Ng Usapan Sa Babaeng Hindi Mo Naman Kilala

Harapin na natin 'to. Ang kausapin ang babaeng hindi mo naman kilala ay sadyang nakakahiya, lalo na kapag unang beses ito. Paano mo ito gagawin? Ano ang iyong sasabihin? Ano kaya kung hindi ka niya pinansin?

Kapag hindi ka isa sa mga lalaki na may baong nakakakilig na pick-up line sa simula ng usapan, ang pakikipag-usap sa mga babae sa unang pagkakataon ay magiging madali at para bang nakikipag-usap ka na lang sa matatagal mo ng kaibigan. Sa oras na natutunan mo na ang sining ng pag-lapit sa mga babae, magiging pro ka na sa pag-aya sa kanila sa isang date.

Hakbang #1: Obserbahan siya

Bago mo siya kausapin, subukan na obserbahan mo kung sino ba talaga siya, hindi lang kung gaano siya kaganda. Alamin ang mga bagay na interesado siya sa pag-oobserba sa kanya sa malayo.
Ano ba ang lagi niyang dala? Libro ba ito? Kapag oo, anong genre ba siya interesado?

Anong klase ng musika ang pinakikinggan niya? Parehas ba kayo?
Gusto ba niya ng isports, ng paglalagalag, sine o video games?
Ang malaman kung saan siya interesado ay tunay na makatutulong para makapag-simula ng usapan. Pwede kang magsimulang magsalita tungkol sa mga bagay na ito.

Hakbang #2: Obserbahan ang iyong kapaligiran

Tingnan ang inyong kapaligiran o obserbahan ang kasalukuyang sitwasyon. May isang bagay na pwede mong punahin para magpa-simula sa isang usapan? Pwedeng tungkol ito sa panahon, kahit na paulit-ulit na itong naririnig niya. Pwedeng tungkol ito sa musika na nasa background, kung gusto mo ba ito o hindi. Pwede 'yung bus na para bang nagmamadali, kung sa tingin mo'y makukuha nito ang atensyon niya.

Ngunit, kapag ang komento na sasabihin mo ay negatibo, siguraduhin lang na magiging magaan at positibo ang dating ng pagkasabi mo. Huwag mo siyang bibigyan na impresyon na reklamador ka.

Hakbang #3: Maging pala-kaibigan

Kausapin siya sa natural, kalmado at sa pala-kaibigang paraan. Piliting gawin itong magaan. Importante rin na mapanitili ang pag-tingin mo sa kanyang mata para malaman niyang interesado ka sa mga bagay na sinasabi niya. Iwasang tumingin sa paligid dahil baka akalain niyang wala kang interes. Ngunit ang pinaka-importante, huwag umikot ang paningin mo sa katawan niya, hindi mo naman gustong matakot siya sa'yo, 'di ba?

Kapag gusto mong magkaroon ng pagkakataon para mas makilala siya, hayaan mong maging komportable siya sa paligid mo.

Hakbang #4: Magpakita ng respeto at interes

Ipakita sa babaeng iyon na nirerespeto mo siya sa pagbibigay ng interes at pag-hingi ng kanyang opinyon. Huwag lang ikaw ang magsalita. Hindi iyon gusto ng mga babae. Bigyan mo rin siya ng oras at dapat lang na makinig ka ng maayos sa sinasabi niya. Ipakita mo rin sa kanya na interesado ka sa usapan niyo sa pamamagitan ng pa-bahagi rin ng iyong mga ideya, hindi lang sa pag-bati sa kanyang itsura ng paulit-ulit. Baka isipin niyang hindi ka naman talaga interesado na kilalanin pa siya.

Hakbang #5: Ipakita ang nakakatawang ikaw

Patawanin siya gamit ang natural at witty humor. Hayaan lamang ito habang lumalago ang inyong usapan. Lumayo sa mga pilit na biro dahil awkward oto para sa kanya. Kapag pinapahupa nito ang nerbyos mo, isipin mong isa siyang potensyal na kaibigan na gusto mo pang makilala, hindi isang tao na lalandiin mo lang. Makikita niyang totoo ngang interesado ka sa kanya bilang isang tao, na magpapadali lamang sa kanya na maging bukas pa siya sa iyo.

Ang pakikipag-usap sa babaeng hindi mo naman kilala ay hindi kailangan na maging sobrang hirap at awkward. Maging taos-puso, pala-kaibigan at respetado.

Nakatulong ba ang hakbang na ito sa'yo? Mag-iwan ng komento sa ibaba!

Please click the link for English version:5 Steps To Starting A Conversation With A Girl You Barely Know

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?