Anim na paraan para makipagdate sa isang taong-bahay.

May ibang tao na mas gusto magpalipas ng oras sa labas kaysa sa loob ng bahay. May mga tao din na mas gusto mag-relax kapag free time nila sa bahay. Ang makipagdate sa mga taong-bahay ay isang tunay na paghamon. Pero may magandang resulta kung gusto mo talaga ipursige na makipagdate sa kanila. May mga pagkakataon na mapaibig mo ang isang taong-bahay kung malalaman mo ang kaniyang mga kagustuhan. Sila ay may isang salita at gawing mas matibay ang inyong relasyon. Ito ang mga ilang paraan para maging Masaya kayong dalawa.

Humanap ng alternatibo

Ang mga taong-bahay ay lalabas lang sila kapag kailangan nila. Sila ay may simpleng pamumuhay na magtatrabaho at uuwi ng bahay katulad din natin. Pero sa bawat sigundo ng kanilang free time ay mas gusto na lamang nila magstay sa kanilang bahay. Kaya mas mabuti kung maglista ng mga gagawin para sa inyong date na katulad nang nasa bahay. Tapos mag-isip ng mga activities na naaayon sa inyong interest. Maghanap ng entertainment na malapit sa kaniyang tirahan. Alamin kung kalian pupunta ang kaniyang paboritong singer para mag-concert sa kaniyang lugar o kaya alamin ang mga paborito niyang banda na malapit sa kaniyang lugar.

Sumali sa mga organisasyon

Sumali sa mga activity para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sumali sa ibat-ibang organisasyon katulad ng mga gym, sports team at iba pa. May mga taong-bahay na natatakot sumali sa mga activities dahil iniisip nila hindi sila bagay sa mga activity na gusto nila salihan. Kaysa magstay kayo sa loob ng bahay mas maigi kung hingkayatin mo siyang sumali sa mga organisasyon at dun na mag-uumpisa ang inyong date.

Gumawa ng rules para sa imbitasyon.

Kung meron kang social network , normal lang na makakatanggap ka ng mga imbitasyon para sa mga party at iba pang activites na galing sa mga friends mo. May-usapan dapat kayo na hanggang anong oras kayo magtatagal sa party, kaysa hindi kayo pumunta sa mga imbitasyon. Siguraduhin mo na lagi mong kasama ang inyong kadate sa buong araw para hindi siya makausap ng ibang tao. Ang paglabas nyong dalawa ay isang mabisang paraan para magkaroon siya ng lakas ng loob na makipaghalubilo sa ibat ibang tao.

Maging maluwag

Huwag pumunta sa mga pormal events, dinners at iba pa. Piliin ung mga impormal na lugar para sa inyong date para maiwasan ang pagkakaroon nya ng stress. Magpokus sa mga local na hotspots kung saan kayong dalawa ay marelax at maging Masaya. Pumunta sa mga bowling alley, maglaro ng laser tag kasama ang mga kaibigan or magpalipas ng oras sa mga park habang kumakain ng ice cream.

Maging malikhain.

Bukod sa mga karaniwang activities na naeenjoy sa bahay. Gumawa ng panibagong pagkakalibangan para maenjoy nyo ang bawat isa. Kung meron man siyang rec room, play video games, billiards o kaya gumamit ng carpet na may maraming unan. Hindi nyo na kailangan lumayo para makagawa ng pillow forts tapos kuhanan nyo ng litrato ang isa’t isa na may foam dart guns. The sky’s the limit.

Magbahagi

Maraming mga hugasin, labahan at iba pang Gawain, kaya humanap ng paraan para maglibang-libang habang nagiging produktibo. Nagkakaroon ito ng pagkakaisa at teamwork. At nakakatulong ito para intindihin ang bawat isa sa inyo. Ang pagluluto ay magandang paraan para maipakita mo yung effort mo para sa kanya. Mas okay kung masarap ka magluto.

Dapat matutong mag-sakripisyo para sa kanya at siya na mismo magsusukli lahat ng pinaghirapan mo sa kanya. Lagi mong isipin na hindi madali na baguhin ang ugali ng isang taong-bahay at okay lang kung hindi talaga siya para sayo kahit papaano ay sinubukan mo.

Nakadate mo na ba ang isang taong-bahay? Kamusta naman yun ? Pwede mong ikwento ang iyong storya sa comment sa ibaba.

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for english version: 6 ways to make a date work with a homebody

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?