Halo-Halong Mensahe At Kung Paano Mo Ito Titingnan

Hindi palaging itim at puti ang lahat kapag nakikipag-date ka. Sasabihin niyang hindi ka niya gusto ngunit nagiging bukas naman siya sa ibang mga lalaki. Sasabihin niyang tatawag siya, ngunit gagawin lamang ito pagtapos ng dalawang araw o ng mas marami pa. Hindi ka niya sinipot sa unang usapan ngunit sa pangalawa ay nandun na siya. Kapag magkasama kayo, lutang siya at parang mas interesado pa siya sa lalagyanan ng asin at paminta na nasa lamesa. Nakakalito hindi ba?

Napakalungot na ang pakikipag-date ay binubuo ng napakaraming kalituhan. Ano ka ba sa kaniya? Isang kaibigan, kalandian o isang mas pa sa mga iyon? Kung ikaw ay nag-iisa na naghahanap ng seryosohang relasyon, ito ay tulad ng isang taong magpapadala sayo ng mga mensaheng halo-halo ang ibig sabihin. Buti na lamang ay hindi mahirap intindihin ang mga senyales na ito. Maaaring ang mga hakbang na ito ang makasagot sa mga napaka-gulong date. Narito kung papaano.

Lumabas ka at maghanap

Madali lang na masangkot sa isang sitwasyon ng pakikipag-date at magkaroon ng mahinang pagkaka-alam dito. Huwag kang mabulag sa pag-asa ng mga posibleng mangyari at tingnan kung ano ba talaga ang reyalidad. Huwag mong ilalagay ang iyong sarili sa mga bagay na gusto mo at mga hinahanap mo sa isang ugnayan. Huwag mo na ring idamay ang iyong mga nararamdaman at umakto na para bang isang estrangherong tinitingnan ang isang bagay at mag-desisyon galing doon.

Paniwalaan mo ang kanyang sinasabi ngunit huwag lahat ng ito

Pakinggan kung ano ang sinasabi sa'yo ng date mo. Kapag sinabi niyang pagod na siya sa mga relasyon o siya ay hindi pa handa lalo na sa emosyonal niyang aspeto, dapat lang na humakbang ka na. Dahil sa nagpapaplano na ang iyong date ay hindi ibig sabihin nito ay bukal ito sa kaniyang kalooban.

Ang dapat na gawin dito ay iligtas ang sarili mo sa lungkot, lahat ng sasabihin ng iyong kadate ay dapat maging asin at paminta na hindi dapat ilahat ang pag-kain. Maraming tao ang nahuhulog sa isang pagkakataong ganito na nakapag-sasabi sila ng mga salitang hindi naman talaga bukal sa kanilang kalooban. Kapag nakapag-bahagi na kayo ng maraming karanasan, doon mo pa lang makikita ang mga paraan niya.

Dahan-dahanin mo lang

Kakailanganin ng oras para malaman kung paano nga ba ang kanyang pakikitungo sa iba. Sa halip na mamuhunan ka na agad ng emosyon sa isang tao ng agad-agad, tumingin ka muna sa malayo at mag-obserba. Sa pag-oobserba pa sa kaniya, mas maganda ang tiyansa na maiitindihan mo ang tunay niyang intensiyon at maiiwasan ang mga dapat iwasan.

Maging malinaw

May mga taong nagpapadala ng mga halo-halong mensahe dahil ganoon din ang ginagawa mo sa kanila. Maging malinaw ka sa iyong intensiyon, alamin kung ano ang gusto mo at ipakita ang iyong hangarin ng mas maayos.

Maghanap ng tamang patnubay

Nakatutulong ang magkaroon ng kaibigan na kabaliktaran ng iyong kasarian. Sa paraang ito, may isang tao na makapag-papakita sa iyo ng tamang pag-tingin sa isang sitwasyon. Huwag kang gagawa ng mga haka-haka tungkol sa iyong kapareha kung gusto mong maintindihan kung ano ba ang tunay na gusto niyang sabihin. Magtanong ka sa isang lalaki mong kaibigan na hindi ka nagkaroon ng malalim na relasyon dahil siya ang makapag-bibigay sayo ng magandang patnubay ukol dito.

Magtanong ka

Wala namang masama kung magtatanong ka sa date mo mismo kapag nalilito ka sa mga mensahe niya sa iyo, magtanong ng maayos at maghangad ng sagot. Kapag ang date mo ay sumagot ng maayos at nanghingi ng tawad sayo nang bukal sa kaniyang kalooban, may tiyansa kang tama ang taong napili mo. Kapag naman naging depensibo ang kanyang mga sagot, nagi-guilty at lumabas na ang masasama niyang ugali, dapat lang na maghanap ka ng iba na mas bagay na bigyan ng oras at enerhiya.

Mamili

Palagi ka namang may karapatan pumili kung sino yung tao na makapagbabalik ng pag-ibig na binibigay mo. Kapag nakakuha ka ng halo-halong mensahe galing sa iyong date, maaaring hindi pa siya handa at okay lang naman ito. Humakbang ka na palayo kung panay magulong menshe lang umiikot ang relasyon ninyo.

May karapatan ka ring maghanap ng ibang tao na nasasabik na makasama ka tulad ng pananabik mo sa kanila.

Sa pagtatapos, ang pagiging tama at matiyaga ang iyong sandata laban sa mga ganitong mensahe. Dahan-dahanin mo lamang at matatapos ka rin sa isang malinaw na perspektibo sa isang buong relasyon.

Paano mo ba hinahawakan ang mga ganoong mensahe? Magbahagi ng iyong masasabi sa mga kumento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: Mixed Messages and How to Deal With Them

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?