Paano Nga Ba Gagana Ang Iyong Relasyon Sa Isang Taong Namumuhunan

Ang mga taong namumuhunan at ang kanyang kapareha ay naapektuhan ng pagbaba ng pinansyal nitong mga nagdaang taon. Hindi lamang sa kahirapang pinansyal, pati na rin sa kanilang relasyon. Dahil dito, nag-sulputan na rin ang mga grupong sumusuporta sa mga taong namumuhunan. Dito na rin sila nagpapalitan ng kanilang mga kwento ukol na rin sa problemang pinansyal.

Paano nga ba makakasiguro na magkakaroon ka ng isang malusog at magtatagal na ugnayan sa mga taong tulad nila?

Kilalanin ang taong nasa likod ng kinang nila

Makikita mo siya sa kanyang eleganteng kasuotan at malinis na itsura, ngunit huwag naman sanang ang pisikal niyang katangian ang maging dahilan kung bakit ka makikipag-date sa kanya. Alisin mo muna ang kanyang imahe at alamin kung ano ba ang mga gusto niya, mga hilig o di kaya naman ay ang kwento mismo ng kaniyang buhay. Huwag mo siyang ituring na tropeo na ipagmamayabang mo sa iyong mga kaibigan at pamilya.

Importanteng hindi ka makikipag-date sa isang namumuhunan dahil sa kanyang itsura, karespe-respetong trabaho o sa kanyang yaman. Maaaring hindi rin ito tumagal. Ang totoo, may mga kagipitan din at ang lahat ng kinang ay nawawala rin. At kapag naranasan mo ang gulo at hamon ng kaniyang trabaho, dapat lang na ikaw ang nasa likod niya.

Huwag mo siyang pagastusin sa lahat ng bagay na kailangan mo

Dahil lang mas malaki ang kanyang sweldo, hindi dapat na laging siya ang gagastos sa lahat pati na rin sa pagkain mo. Paniguradong kaya niyang dalhin ka sa mga mamahaling kainan, ngunit hindi naman niya responsibilidad na siya ang laging magbayad. Hindi siya isang meal ticket. Mag-sabi ka na hatiin na lang ang babayaran. Pwedeng pipilitin ka niyang siya na lang, mabuti nang nagsabi ka. Ang mahalaga ay hindi ka nakikipag-date sa kanya dahil lang sa libreng pagkain, damit, paglalakbay o libreng renta.

Siguraduhin mong interesado sa kaniya hindi sa kaniyang malamang bulsa. Kung pera ang rason kung bakit ka nakikipag-date sa kaniya, ikaw ang mauuna sa labas ng pinto kapag nawalan siya ng trabaho. At walang sinuman ang dapat na itrato ng ganoon.

Kapag naman nakikipag-date ka sa kaniya dahil sa may nararamdaman ka na sa kaniya, hindi na mahirap ituloy ang inyong relasyon kapag hindi na niya kailangan pang magbayad sa mga mamahaling kainan o bonggang bakasyon.

Matuto kang mag-negosyo

Ang pakikipag-date sa isang namumuhunan na walang ideya kung paano ang mag-negosyo ay magulo. Kapag umuwi na siya galing sa buong araw na pagtatrabaho, gugustuhin niyang makipag-usap sayo tungkol sa mga nangyayari sa kaniyang trabaho. Maaaring tumatango ka sa kanya ngunit wala ka naman talagang naiitindihan. Paano mo pa pahahabain ang kwentuhan kung hindi mo naman alam kung paano ka sasagot?

Hindi naman kailangan na maging eksperto ka tulad niya. Alamin mo lamang ang mga maliliit na detalye rito. Magtanong ka kung pwede kang magpaturo sa kaniya kapag may oras. Kung alam niyang nalalaman mo na kung paano ba nagsisimula ang linya ng kaniyang trabaho, magiging komportable na siyang maglahad sayo tuwing may kinakaharap siyang hamon sa kaniyang trabaho.

Dapat na alam mo na ang trabaho niya ang una niyang prioridad

Kapag nakikipag-date ka sa isang namumuhunan, malaki ang tsansa na ang kaniyang trabaho ang una niyang prioridad. Ito ay isang trabahong maraming dapat na isaalang-alang tulad ng sangkaterbang kasipagan, oras at atensyon. Kaya pigilan ang madalas na paghingi ng kaniyang oras at atensyon. Kung gusto mong ikaw ang maging unang prayoridad ng iyong kapareha, maaaring hindi siya nababagay sayo.

Nasa relasyon ka man ng isang taong namumuhunan, o gusto mo lang namang malaman kung paano nga ba makipag-date sa mga tulad nila, tatandaan mo na kahit na siya ay matalino, elegante at mayaman, mas mahalaga na gusto mo siya bilang siya at hindi dahil sa mga luhong kaya niyang ibigay sa’yo.

Ano pa ba ang mga naiisip mo sa pakikipag-date sa isang namumuhunan? Mag-iwan lamang ng komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: Making Your Relationship With An Investment Banker Work

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?