Sa Hiking Date Hayaan Mong Kalikasan Ang Magdala Sa Inyo

Mayroong mga bagay sa kalikasan na sadyang napaka-romantiko. Ang mahinahong alon sa dalampasigan, ang tunog ng mga kuliglig sa kagubatan, at ang malamig na simoy ng hangin sa mga kabundukan. Ang tanawin at amoy ng kapaligiran ay makapagbibigay sa iyo ng masayang pakiramdam na hindi mo maiiwasang damhin ang kahalagahan nito na magkaroon ng makakasama upang maibahagi ang mga espesyal na sandaling ito.

Kaya ito ang dahilan kung bakit ang paghahike ay isa sa pinaka-magandang ideya para sa isang getaway date para sa bago at matagal ng magkarelasyon. Ang pinakamagandang parte? Maliit lamang ang gastos nito sa simpleng paglabas at pagpapalipas ng kalahating araw sa paglalakad-lakad. Mayroon dapat na ligtas na hiking trail sa inyong lugar na kung saan ay maaari ninyong palipasin ang maghapon sa paglalakad dito. Hindi lamang nalilibot ninyo ang kalikasan, ganoon din nalalaman ninyo ang buhay ng isat-isa.

Ngunit bago kayo magsimula ng isang outdoor adventure kasama ang inyong mahal sa buhay, narito ang ilang mga bagay na dapat mo munang gawin.

Magsaliksik

Tumingin sa internet upang makahanap ng mga local trail na pupwede. Sa panahon ngayon, hindi na kailangan pa ng anumang polyeto o papel sa paghahanap ng hiking trail. Bago ka pumili, isipin mo muna kung gaano na kayo katagal ng kapareha mo. Kung dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas noong huli kayong magkakilala at inaalam niyo pa lang din pareho ang isat-isa, ang ideyal na trail para sa inyo ay ang lugar na malapit lamang sa inyong tinitirhan.

Para sa mga magkarelasyon na kung saan ay kaya ng humawak ng mabibigat na aktibidad tulad ng pag-eehersisyo na magkasama, ang trails na may matataas na lugar ay sadyang mabuti upang mapabilis ang daloy ng inyong dugo, habang ang mga hindi gaanong kataasang lugar naman na mayroong maraming sangang daan ay makabubuti para sa mas maayos na paghahikes.

Maghanda

Dahil sa kayo ay pupunta sa ilang, panuguraduhing mayroon kayo ng lahat ng inyong kakailanganin para sa inyong paghahike. Wala ng iba pang mas malala kung babalik kayo sa #### dahil lang sa nakalimutan ninyong magdala ng Gatorade. Malagay ng picnic lunch na may maaliwalas na kumot, magdala ng romantikong mga panghimagas, at sariwang mga prutas tulad ng ubas para sa mas nakagiginhawang konklusyon pagkatapos ninyo kumain.

Huwag kalimutang magdala ng mga pinaka-kailangan tulad ng lalagyan ng tubig, pamunas sa mukha, at pamalit na damit, gayundin ang mga kagamitang pangkaligtasan tulad ng flashlights at GPS tracker. Kung mayroon kang kamera, maaari kayong kumuha ng magagandang shots sa kalikasan ng magkasama pero kung wala, nariyan naman palagi ang inyong smart phone na maaari ninyong gamitin para makakuha ng magagandang larawan na may natural na liwanag.

Enjoy the view

Mayroong punto sa inyong paghahike na kung saan ay makahahanap kayo ng perpektong lugar para makapagpahinga. Kaya gamitin mo ang buong pagkakataong ito kasama ang iyong kapareha at magsimula ng isang magandang pag-uusap sa ilalim ng mga puno. Maghawak kamay habang nasa itaas ng malalaking batuhan, humanap ng magandang damuhan na maaari ninyong upuan at tumingin-tingin para sa mga buhay ilang.

Kung bakit ang paghahike ay isa sa pinakamagandang ideya sa pakikipag-date ay dahil sa hinahayaan kayo nitong makita ang ganda ng kalikasan ng magkasama na kung saan ay nakapagbibigay ng magagandang alaala.

Kilalanin ang isat-isa

Mayroong paraan ang kalikasan upang makapagbigay ng magandang pakiramdam, kaya kunin mo ang pagkakataong ito upang mas makilala mo pa ang iyong kapareha. Ang kapayapaan at katahimikan sa paghahike ay isang perpektong paraan upang makapagrelax at makalimutan ang mga problema sa pang-araw-araw na pamumuhay. Nagbibigay rin ito ng oportunidad upang mas makilala mo pa ang iyong kapareha ng personal, kaya huwag kalimutang pag-usapan ang tungkol sa pag-asa, mga plano, at mga pangarap.

Magsaya

Hindi ito kailangang maging seryoso. Magsaya sa isang kapatagan at manghuli ng mga paru-paro ng magkasama tulad ng mga bata o maligo sa isang tahimik na batisan. Mag-ipon ng mga bato ng magkasama sa isang lugar o iukit sa katawan ng puno ang inyong mga pangalan.

Habang iniisip mo na pangkaraniwan na lamang ang mga aktibidad na ito, ang mga maliliit na bagay na ito na ginagawa ninyo ng magkasama na kahit panandalian lamang ay siyang nakapagpapatibay sa inyong relasyon. Maaari kayo nitong pagbuklurin kahit na iniisip mo na corny ang ganitong mga aktibidad.

Sa pagbubuod

Mabuti ang paghahike para sa isang ekselenteng unang pakikipag-date. Iniiba kayo nito sa ibang mga magkapreha na karaniwan na lamang lumalabas para kumain at manuod ng sine. Ang pag-eehersisyo at kapayapaang ito na makukuha mo mula sa paghahike ay makatutulong upang mas mabilis ninyong makilala ang isat-isa.

Hayaan ninyo ang kalikasan ang magdala sa inyo sa isang romantikong afternoon hike. Ang katahimikang ibinibigay nito ang magdadala sa inyo upang makapagrelax at mas makilala ninyo ng mabuti ang isat-isa.

Nais n’yo bang ibahagi ang inyong mga karanasan sa pakikipagdate sa pamamagitan ng paghahike? Sabihin sa amin ang mga nangyari sa komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: On a Hiking Date Let Nature Be Your Wingman

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?