Mga Gabay Sa Babae Para Masabi Ang Kaniyang Damdamin Sa Isang Lalaki

Ang pagiging "shy type" ay hindi na dahilan para malaman ng isang lalaki na gusto mo siya. Gusto ng mga lalaki ang direktang komunikasyon kaysa padalahan pa siya ng mga magugulong mensahe na kailangan pang i-analisa ang mga salita, bakit ba hindi na lang maging bukas at pranka?

Sa mga salitang iyon, may ilang mga bagay kang dapat tandaan para makuha ang mensahe ng malinaw at maiwasan ang hindi pagkakaintindihan kapag inaamin mo ang iyong nararamdam sa kanya.

Galaw ng katawan

Ang komunikasyong hindi berbal ay isa mga pinaka-epektibong paraan upang maipalam ng mga babae na gusto nila ang isang lalaki. Tumingin ka ng diretso sa kaniyang mga mata, titigan ito ng mas malalim at ituon ang iyong sarili tungo sa kanya. Magpapakita ito na interesado ka sa kanya at hindi naiistorbo ng iyong kapaligiran. Bukod sa lahat, ngitian mo siya para magkaroon ng komunikasyon dahil wala ng mas magpapakalma ng lalaki liban sa ngiti na nanggaling sa magandang babae.

Ituon ang iyong atensyon

Ibigay mo ng buo ang iyong atensyon. Ilayo ang iyong phone at huwag hayaan na umikot ang iyong mata sa paligid ng silid. Ang pagpapahayag ng interes sa kanya ay nakakataas ng kanyang ego, kaya iparamdam mo sa kanya na siya lang ang lalaki sa mundo at tiyak itong mapapansin niya.

Makinig ng maayos, tumugon sa mga tanong at mag-banggit ng mga tanong tungkol sa kaniya. Iparamdam mo na espesyal siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon sa kung ano ang kanyang sinasabi at alalahaning ngumiti.

Makipag-landian

Ang makipag-landian sa kanya ay isang malinaw na palatandaan na interesado ka sa kanya. Tumawa sa mga biro niya at ngumiti habang tinitingnan mo siya.

Bukod sa pagsasabi sa kanya na gusto mo siya ng direkta, ang pakikipag-landian ay ang pinakamadaling paraan para masabi na gusto mo siya kahit na hindi mo na ito sabihin pa. Kaya lumandi ka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga haplos sa kamay, idikit mo ang iyong mga binti sa kanya sa ilalim ng lamesa at ibalik ang kanyang mga ginagawa.

Gumawa ng mga oportunidad

Mas madaling sabihin sa kanya na gusto mo siya kapag kayong dalawa lang ang magkasama. Gumawa ng oportunidad para kayong dalawa na lang ang magkasama sa pagsagawa ng isang sarilinang hapunan o imbitahan siya na sabay na lang kayong kumain ng tanghalian. Kapag nasa iisa lang kayong klase, imbitihan mo siya sa kaswal na pag-aaral at sabihin na lang ang iyong nararamdaman habang kasama mo siya.

Dahan-dahan lang

Huwag masyadong isipin kung ano ba ang mga sasabihin mo. Sabihin mo lang sa kanya na romantikong interesado ka sa kanya at sabihin mo ang mga rason kapag nagtanong siya. Importante na huwag mong sosobrahan ang paraan ng pagpapaliwanag sa kanya para makita pa rin niyang tapat ka sa kanya.

Huwag maglaro

Maganda ng malinaw ang mga intensyon mo kaya iwasan ng maging "hard-to-get". Huwag babanggitin na may importante kang sasabihin at biglang iibahin na ang sasabihin kapag nariyan na siya. Kahit na iniisip mong hindi kayo parehas ng nararamdaman, kaparatan pa rin niyang malaman kung naguguluhan ka ba. Gawin ang lahat ng iyong makakaya sa pagsasabi sa kanya at maging direkta hanggang sa makakaya.

Matuto mula sa karanasan

Kung makakakuha ka man ng positibo o negatibong tugon, alalahanin kung ano ba ang nakuha mo mula sa karanasang iyon. Ang pinaka-magandang senaryo ay parehas kayo ng nararamdaman. Kapag naman hindi, huwag kang mag-alala. Ang taong nararapat sa iyo ay parating pa lamang.

Lahat tayo ay kinakatakutan ang matanggihan sa mga punto ng ating buhay, ngunit isipin kung ilang oportunidad para sa romansa ang mawawala kapag hindi ka gumawa ng paraan para maihayag ito. Kaya lumabas ka riyan, sabihin ang mga nararamdaman at matuto mula sa mga karanasang ito makakuha ka man ng romansa sa iba o hindi.

Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Paano mo sinabi sa boyfriend mo na gusto mo siya? Sabihin ito sa amin sa mga komento!

Please click the link for English version: A Woman's Guide To Expressing Her feelings To A Man

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?