Mga Bagay Na Maaari Niyong Gawin Ng Boyfriend Mo Kapag Malamig Ang Panahon

Aminin mo na. Wala ng hihigit pa sa lambingan niyo ng iyong boyfriend kapag malamig ang panahon. Ito ay ang tunay na panahon para sa mga lambingan at wala ng ibang gagawin kung hindi namnamin ang bawat oras na magkasama kayo. Ipares pa ito sa mainit na kumot at tasa ng mainit na tsokolate na mayroong marshmallow at handa ka ng maging mainit kahit na sa pinakamalamig na mga araw.

Maraming bagay ang parehas niyong magugustuhan tuwing taglamig. Maaari ka pang magsama ng mga kaibigan. Nasa ibaba ang ibang suhestiyon kung paano niyo palilipasin ang malalamig na araw kasama ang iyong kapareha.

Gumawa ng masasarap na s'mores, na may naiiba

Sinong nagsabi na ang s'mores ay para lamang sa mga nagca-camp? Maganda rin sila sa tuwing malamig ang panahon! Mag-tipon sa loob ng bahay at mag-ihaw ng mga marsmallow sa inyong fireplace o sa kusina. Mag-saya na hawiin ang mga nakikita niyong nahulog na tsokolate at tingnan kung saan kayo tutungo. Marumi man itong pakinggan, matamis at malalimang paraan ito para palipasin ang araw na kasama ang iyong kapareha.

Pumirmi sa loob

Minsan, ang piliin na maging tamad sa malamig na araw ay mas magandang plano. Gugulin ang buong araw sa pagtulog at pakikipag-lambingan sa inyong kapareha. Maaaro ring sundan ang mga nakaligtaan mong serye sa telebisyon, magkaroon ng movie marathon, umupo malapit sa apoy at mag-usap sa loob ng ilang oras o ituon ang pansin sa naiwan at lumamig na na pizza.

Kapag parehas niyong gusto ang pagbabasa, pwedeng ito na ang panahon para sa mga nagpatong-patong na librong hindi mo pa nababasa. Basahan mo ang iyong kapareha o magbasa ng magkasama. Maaari mo pang i-akto ang ibang mga senaryo na nanggalingbsa libro para lang sa kasiyahan! Ito ay isa sa mga perpektong dahilan para pumirmi sa inyong bahay.

Magkaroon ng Wii tournament

Kapag pipirmi lang kayo sa loob, baka magustuhan mong ilabas ang pagiging "competitive" sa pamamagitan ng isang Wii tournament. Wala namang masama na magkaroon ng maliit na malusog na kompetisyon sa isang relasyon. Isa rin itong perpektong gawain sa loob na masaya at maganda sa katawan.

Pumili ng ilang laro at sumabak na sa isang tournament. Magtalaga ng ilang palatuntunan para maiwasan ang gulo. Para maging mas masaya at nakakapukaw ng interes, maglagay ng mga kaparusahan sa kung sino ang matatalo sa isang round o laro.

Gumawa ng "weird" na bagay

Pumunta sa YouTube at maghanap ng mga kakaibang video para sa isamg couple. Ang iba sa kanila ay ang paglalagay ng make-up ng mga babae sa mga lalaki o kabaliktaran. May mga couple din na gumagawa ng mga nakakatawang hamon at magpapagawa ng kaparusahan sa mga natatalo. Bakit hindi niyo ito subukan?

Hindi naman kailangang naka-record ito at i-post online kapag hindi kayo komportable na maipakita ito sa mga hindi niyo kilala. Kailangan mo lang na maging masaya sa kasalukuyan at tawanan kung ano ang kalalabasan.

Harapin ang lamig

Kapag hindi naman kaso na malamig sa labas, maaari kang magpa-reserba sa paborito mong kainan o pumunta sa paborito mong bar at tikman ang mga cocktail drink. Kapag gusto mo pang maging kapana-panabik, magdamit ng maluluwag na sports jacket at bumili ng mga tiket sa mga football game at mag-beer habang isinisigaw ang paborito mong grupo.

Ilaan ang weekend sa isang cabin

Kapag tutunga ka naman sa labas, ang tasa ng tsaa sa malamig na panahon ay dapat na naroon. Mag-book ng isang cabin at imbitahan ang inyong kaibigan na makisama sa weekend adventure. Gawin itong masayang aktibidad sa labas ng bahay sa pamamagitan ng pagsulat ng listahan ng mga gagawin na magugustuhan mo at ng iyong kaibigan. Maaaring magtayo ng isang camp fire at magkwentuhan, pumunta sa isang maikling hike para makita ang mga magagandang tanawin o maghanda ng mga gawing pang-loob.

Sa totoo lang, hindi na bale kung ito ba ay bongga o simple ang maging plano niyo tuwing malamig ang panahon. Hangga't kasama mo siya sa iyong tabi, pwede mong ibigay ang init na kailangan niya. Kung ano ang importante ay parehas kayong masaya at nalilimutan ang lahat ng tungkol sa inyong problema.

Ano pa ang ibang ideya na mayroon ka para maging mas masaya ang mga couple tuwing taglamig? Mag-iwan ng inyong mga iniisip sa mga komento sa ibaba

Please click the link for English version:Chilly day Activity Ideas For You And Your Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?