Paano Dapat Kumilos Ang Isang Babae Sa Pakikipag-date

Hindi pa nawawala ang pagka-maginoo. Ang patakaran sa pagiging maginoo noong una pa man ay naituro na sa mga kalalakihan upang maobserbahan ang tamang asal sa pagtrato sa isang babae, lalo na pagdating sa pakikipag-date.

Importante rin na magkaroon ng patakaran pagdating sa nararapat na pag-uugali ng mga kababaihan. Kailangan din bang may sunding patakaran ang mga kababaihan pagdating sa pakikipagdate?

Dapat lamang.

Dahil sangkot ang dalawang tao sa pakikipag-date. Kaya, dapat lamang na gampanan ng dalawang partido ang kanilang mga layunin ng sa gayon ay maging matagumpay ang kanilang pagdidate.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga simpleng pamamaraan upang ang pakikipag-date ng mga kababaihan ay maging matagumpay.

Bumuo ng relasyon

Bumuo ng relasyon sa pamamagitan ng paghihikayat sa iyong kadate na magkuwento ng magkuwento, kahit na hindi magkakaugnay ang kaniyang mga sinasabi. Karaniwan na para sa mga kababaihan na ipaubaya sa mga kalalakihan kung saan hahantong ang kanilang pag-uusap, at hinahayaan ang kanilang mga sarili na maging tagapakinig lamang.

Sa kabilang banda, hindi mo naman gugustuhing maging tagapakinig ka lamang. Maaari ka ring magsabi ng iyong punto mula sa inyong pinag-uusapan at tanungin siya tungkol sa kaniyang buhay at mga kinahihiligan. Dahil dito maipararamdam mo sa kaniyang espesyal siya sa iyo at sisikapin niyang mas pahabain pa ang inyong pag-uusap.

Makinig

Maging isang mabuting tagapakinig at tandaan ang mga detalyeng ibinahagi niya sa iyo. Subukan mong ibalik ito kapag may pagkakataon. Halimbawa, kapag sinabihan ka niya tungkol sa gusto niyang TV show, subukan mong sabihin ulit ito sa inyong pag-uusap. Malalaman niyang nakikinig ka at dahil dito mahihikayat siyang magkuwento pa.

Mas madalas, maaaring mabawasan ang iyong pagkagusto lalo na kapag nagkukuwento siya ng mga bagay na hindi pamilyar sa halos lahat ng kababaihan. Halimbawa, kapag nagsimula na siyang magsabi tungkol sa mga panglalaking gawain at mga proyektong pangkarpentero, huwag kang matakot. Okay lamang na sabihin mo kung hindi ka pamilyar sa ganitong mga usapin. Kung anupaman, maaari niyang ipaliwanag ito ng mas mabuti.

Maging mapagpahalaga

Ang pakikipagdate ay tulad ng isang importanteng pagtitipon na kinakailangan ng maraming paghahanda at effort. Kailangan na tama ang iyong pananamit, maglagay ng make-up, at magpabango. Habang ginagawa mo ang lahat ng bagay na ito, maaaring inilalaan niya rin ang kaniyang oras sa pag-aahit ng kaniyang balbas, sa pagpili ng tamang damit, at pabango para magmukha siyang disente sa iyong harapan. Batiin mo siya kapag nakita mo siya para malaman niya na napansin mo ang kaniyang naging paghahanda.

Suportahan mo siya

Gusto ng mga lalaki ang sinusuportahan sila dahil nakapagpapataas ito sa kanilang ego. Nawawala ang pagkabalisa ng isang lalaki kapag nakita ng taong gusto niya ang kaniyang kahalagahan. Kilalanin mo ang iyong kadate sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa kaniyang lakas at mga kahinaan.

Kahit na mas marami kang napagtagumpayan kaysa sa kaniya, iwasan mong magsabi o gumawa ng anumang bagay na makapagpapaingit sa kaniya. Subukan mong pagsalitain siya tungkol sa kaniyang mga kasanayan at kakayahan, kaysa pagsarhan siya ng pinto ng dahil sa hindi kayo magkapareho ng lebel.

Mag-alok na paghatian ninyo ang gastos

Nakasanayan dati pa na dapat tratuhin ng mga kalalakihan ang kanilang kadate tulad ng isang prinsesa, ngunit sa panahon ngayon ng modernong pakikipag-date, hindi na kailangan pang akuin ng mga kalalakihan ang lahat ng gastusin. Kakaunting tao na lamang ang sumusunod sa patakaran ito na kung sino ang nag-aya ay siya ang dapat na magbabayad para sa lahat.

Maaaring maging maganda para sa isang lalaki ang pag-ako sa gastusin, mas maigi pa rin kung hahatiin ninyo ito, o kahit na ialok mo na lamang ang iyong pera para pang-tip. Marapat na maging patas ka at pantay sa lahat ng oras.

May ginagampanan din ang mga kababaihan pagdating sa pakikipagdate. Ang iyong pagkilos at pag-uugali ay makakaapekto sa lagay ng inyong pagdidate. Bukod sa pagkadismaya na naidudulot ng pakikipagdate sa ilang tao, marapat na maranasan mo rin ito lalo na kung naghahanap ka ng isang seryosong relasyon.

Sumasang-ayon ka ba sa mga patakarang ito? Magbahagi sa amin sa ibaba!

Please clcick the link for English version: How A Woman Should Act On A Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?