Anim Na Senyales Na Siya ay Babaero

Maraming mga lalaki na interesado na magkaroon ng emoyunal na koneksyon sa iyo, at naririyan din ang mga babaero. Ang ganitong klase ng mga lalaki ay nakikita ang mga babae bilang isang bagay lamang para sa kaniyang pangangailangan at paniguradong maghahanap ng iba kapag nagsawa na siya sa iyo.

Ang pagkakaroon ng emosyunal na nararamdaman para sa isang babaero ay mauuwi lamang sa gulo. Walang kuwenta kahit na subukan mo pang baguhin ang kaniyang pagkababaero kahit na sabihin niya pa sa iyo ng ilang ulit na magseseryoso na siya. Hindi madaling tanggapin na siya ang makikipaghiwalay sa iyo, kaya upang mailigtas ang iyong sarili mula sa pagkabigo, naririto ang ilan sa mga senyales ng pagiging babaero.

Mabulaklak na pananalita

Ang sekswal na pangangailangan ang sandata ng mga babaero. Kumukuha siya ng babae na gusto siya na kung saan ay nagkapagbibigay sa kaniya ng buong kapangyarihan.

Isang malinaw na senyales nito ay kapag maayos niyang nasasabi ang kaniyang mensahe sa iyo. Gumagamit ang mga babaero ng simpleng pakikipag-usap lamang para mahulog sa kaniya ang mga babae, pisikal man o emosyunal.

Emosyunal na makasarili

Ang isang malusog na relasyon ay kinakailangan ng “give and take” mula sa parehong partido. Malalaman mo kung nasa isang babaero ka kapag ikaw lamang ang nagbibigay at wala ka namang nakukuhang kapalit. Para ito sa emosyunal na pangangailangan at hindi tungkol sa pera.

Maaaring bigyan ka niya ng mga bulaklak, tsokolate at iba pang regalo ngunit wala siyang maibibigay pagdating sa emosyunal na koneksyon. Ganoon din, palagi siyang naririyan kapag mayroon kang sekswal na pabor ngunit hindi niya gustong bumuo ng tunay na relasyon sa iyo.

Ayaw niya ng “commitment”

Nagmamadali siyang pumunta sa iyo kapag sinabi mong nasa kundisyon ka ngunit hindi siya nagpapakita sa panahon na kinakailangan mo talaga siya. Mararamdaman ng isang babaero na para bang gusto niyang patali sa iyo ngunit tatalikod siya kapag oras na ng seryosohan.

Maaaring sabihin niya sa iyo na gusto niyang maging kayo o maging permante na ang inyong relasyon ngunit hindi niya naman gustong makasama ka.

Sa gabi lamang siya nagpapakita

Kpag sinabi niyang sa gabi ka lang niya mapupuntahan, isa itong malinaw na senyales na siya ay babaero. Nakikita ka niya bilang pangangailangan lamang ngunit hindi ka niya yayain sa tunay na pagdidate. Mabuti ng huwag kang maghangad ng masayang lunch dates o kaya naman ay paglalakad sa parke kasama ang lalaking ito.

Nagsasabi ng malalaswang mga biro

Habang ang mga babaero ay may kani-kaniyang pamamaraan ng pagsasalita, may iba naman sa kanila na kilala bilang malibog talaga.

Kapag kinausap ka ng isang lalaki na para bang gusto ka niya, makinig ka sa kaniyang pananalita. Linawin mo mula sa lalaking ito na kung saan ay puro lamang kalaswaan ang sinasabi. Kapag nangyari ito, umiwas ka na at huwag ng bumalik pa sa kaniya. Hindi mo naman gugustuhing mas lumala pa ito bilang kaniyang laruan lamang.

Labis na kasamaan

Ang isang babaero ay para bang pagkakaroon ng dose-dosenang mga babaeng nahuhulog sa kaniya. Masuwerte ka na kung mabilis na kumalat ang balita at mayroon kang magandang pagkakataon na makinig sa iyong mga kaibigan tungkol sa kaniyang pagiging babaero. Habang ang mga sabi-sabi ay maaaring kasinungalingan lamang, karaniwan na base ito sa katotohanan, kahit na piraso lamang ito. Makipag-usap ka sa iyong mga kakilala at tignan kung kumakalat nga ba ang usaping ito at kapag ikinumpirma ito ng isa mula iyong mga kaibigan, tumakbo ka na, huwag kang maglakad.

Umaasa kaming sana ay nakatulong ang mga senyales na ito upang malaman ninyo kung babaero nga ba ang inyong kinakasama ngayon. Ang pag-alam nito ay makatutulong sa iyo upang maisalba ang iyong mahahalagang oras at ang iyong emosyunal na lakas. Ang paghahanap sa isang matinong lalaki ay maaaring maging mahirap, kaya ang pag-alam nito sa iyong sarili ay makapagpapadali sa iyong paghahanap at higit na makatutulong sa iyo.

Nakisama ka na ba sa isang babaero? Ibahagi sa amin ang iyong naging karanasan sa kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: 6 Signs Of A Womanizer

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?