Paano Idate si Mr. Difficult

Hindi mo mapipili kung sino ang mahal mo. Gaano mo man ito ipaglaban, ang mga romantikong pagtingin pa rin ang hahanap ng paraan patungo sa iyong puso. Sapat na ang katotohanan na kung ano ang nais ng puso ay ito lamang ang gugustuhin nito. Kaya naman, kung ikaw ay nasa isang relasyon na kung saan ay mahirap pakisamahan ang lalaki, dapat na malaman mo kung papaano gagana ang relasyong ito sa kaniya.

Sapat na ba ito?

May ilang tao na tama lang ipaglaban ngunit may iba namang hindi. Tanungin mo ang iyong sarili kung sapat nga ba na pahirapan ka ng lalaking ito. Ang hamon ng pakikipagdate sa isang tao na kung saan ay hindi madalian ay sadyang nakakapanabik kaya naman kailangan mong gawin ang iyong buong makakaya upang mapanatili mo siya sa iyo. Gayunpaman, makararamdam ka ng pagkababa sa halos lahat ng oras dahil ikaw ang siyang palaging nagpapaubaya. Sa tingin mo ba maisasalba mo pa ang ganitong relasyon? Kailangan mong matukoy kung sapat na nga ba talaga ang paglalaan mo ng iyong buong makakaya para rito.

Ipakita mo ang iyong sarili

Hindi dahil sa siya si Mr. Difficult, hindi ito ibig sabihin na wala ka ng magagawa para sa inyong relasyon. Hindi mo kailangang palagi na lang magpaubaya o itago ang iyong mga nararamdaman. Iwasan mong itago ang iyong opinyon sa iyong sarili lamang. Tumayo ka at hayaan mong ipaalam sa kaniya kung ano ang iyong naiisip sa tuwing siya ay nagpapahirap. Kung kayo man ay nasa mainit na argumento o nasa isang mababaw ng debate lamang, huwag kang magpapatalo lalo na kung alam mong may punto ka. Ipakita mo sa kaniya na kapareho mo siya.

Turuan mo siya ng bagay tungkol sa pagpapaubaya

Maaaring sa mga susunod na mga araw ay ikaw na ang palaging magpapaubaya ngunit hindi ibig sabihin nito na pababayaan mo na lamang ang iyong mga pangangailangan. Ang inyong relasyon ay tungkol sa inyong dalawa, hindi lang siya. Kapag nagdesisyon siya sa isang bagay na kung saan ay lubos na makakaapekto sa inyong relasyon, tulad ng pagsasabi na kailangan niyo munang maghiwalay o gawin munang bukas ang inyong relasyon, huwag mong hayaan ito dahil sa takot kang mawala siya sa iyo. Maliban sa ayos lamang ito sa iyo, huwag mong hayaang magsakripisyo ka dahil sa iyong mga pangangailangan. Turuan mo siya sa kung ano ang dapat na maging siya sa inyong relasyon. Gayunpaman, ang relasyon na kung saan ay nariyan si Mr. Difficult ay karaniwang hindi maayos na gumagana sa lahat ng oras, kaya huwag mong hayaang hiwalayan ka niya ng ganoon na lamang kadali.

Huwag ka lamang maghintay sa kaniyang mga utos at tawag

Ang isang malusog na relasyon ay nangangailangan na pagsusumikap at kayo ay kailangang parehong kumikilos. Maaaring hindi ito maibigay sa parehong pangangailangan o sa parehong paraan, ngunit kailangan dapat na mayroong parehong pagkilos mula sa inyong dalawa. Ang pagbibigay ng iyong sarili sa isang lalaki na kung saan ay hindi ka naman mahal ay hindi sapat upang mahalin ka niya. At dahil sa naririyan ka palagi para sa kaniya upang punan ang lahat ng kaniyang mga pangangailangan, mayroong malaking tiyansa na aabusuhin ka lamang niya.

Alamin mo kung kailan dapat sumuko

Alamin mo ang iyong limitasyon. Alamin mo kung kailan dapat ayusin ang lahat at kung kailan dapat tapusin ang isang relasyon. Gaano man kalaki ang iyong nagawa para sa relasyong iyon, gaano man karaming pagmamahal ang iyong ibinigay, o gaano mang pagaalaga ang iyong ipinakita, kung hindi niya naman ginagawa ang kaniyang parte sa inyong relasyon, baka ito na ang oras upang pakawalan mo siya. Kung hindi niya nais na mapunta ang inyong relasyon sa parehong direksyon na nais mo, ito na siguro ang tamang oras upang maghiwalay kayo ng daan. Maikli lamang ang buhay upang sayangin mo ito sa taong hindi naman karapat-dapat. Bigyan mo ang iyong sarili ng pabor at humanap ka ng lalaking mabibigyan ka ng pagmamahal, pag-aalaga at effort na nararapat lamang para sa iyo.

Mayroong ibang tao na hindi talaga ganoon kadali harapin, anuman ang gawin mo upang magbago sila. Kaya naman, kung alam mo na kung papaano humarap sa hindi ganoon kadaling lalaki, ay paniguradong magagawa mo nang paganahin ang inyong relasyon.

Ano ang inyong mga nalalaman sa pakikipagdate sa isang Mr. Difficult? Mag-iwan ng iyong kumento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Date Mr. Difficult

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?