Paano ka niya tunay na magugustuhan

Madalas na masaya ang pag-ibig ngunit may mga panahon na nakalukungkot rin ito. Mayroon ka na bang nagustuhang lalaki ngunit hindi niya maibalik sa iyo ang interes mo? Madalas itong nangyayari higit pa sa iniisip mo pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na ito pwedeng mabaliktad.

Kapag gising ka na buong gabi kaiisip sa kanya at para bang hindi ka niya napapansin, ang kaunting pagbabago sa iyong mga paraan ay makakaganda.

Alamin kung paano makukuha ang kanyang atensyon sa tamang paraan sa pamamagitan ng ilang tips na ito.

Umaligid sa kanya

Hindi ka naman mapapansin ng isang lalaki kung wala ka sa paligid niya, kaya siguraduhing tumambay na malapit sa kanya ng mas madalas. Kapag nasa iisa lang kayong grupo ng kaibigan, mas marami ang oportunidad na makasama siya kahit na isa ka lang sa madla, sa ngayon.

Maging Misteryoso

Pagkatapos niyong tumambay, makatutulong na mawala muna para magtaka siya tungkol sa iyo. Huwag mong sagutin ang mga tawag niya ng ilang araw o huwag munang pumunta sa lugar na madalas kayo sa loob ng ilang linggo. Maaaring mag-tunog itong kakaiba ngunit ang kaunting intriga tungkol sa'yo lang ang kailangan niya para naman isipin ka.

Makipag-usap

Kapag nakikipag-usap siya sa'yo, tingnan mo pa ng mas malalim ang kanyang mata. Gusto ng mga lalaki ng mabigyan ng atensyon at totoo ang interes sa kahit anong sasabihin niya, kaya magpapansin sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkagaling sa pakikinig.

Subukang huwag masyadong magsalita ng tungkol sa'yo. Hayaan mong siya ang magdala ng usapan at natural lang na magtanong siya ng tungkol sa'yo, sumagot lamang ng kaunti. Kapag nasa paligid siya ng kanyang kaibigan, magbigay ng espesyal na atensyon sa kanya sa walang mintis na pagtitig sa kanya at kaunting tanong.

Gamitin ang bawat oportunidad para makausap siya at maipakita sa kanya na malakas at totoo ang interes mo sa kanyang buhay. Tanungin mo siya ng tungkol sa kanyang madalas gawin, trabaho, pamilya at kaibigan. 'Pag mas madami siyang ibinunyag sa'yo, mas mataas ang tsansa na nagugustuhan ka niya.

Maghanap ng tungkol sa kanya

Habang ang pangit pakinggan ng pag-'stalk', makatutulong na malaman kung saan siya madalas pumunta. Sa paraang ito, makakagawa ka ng set-up na magkikita kayo dahil sa 'serendipity' at magsimula na ng isang usapan. Hindi iyon pag-stalk pwera na lang kung labis na ang pagkagusto mo sa kanya. Siguraduhin lang na aakto ka na totoong sorpresa ang nasa mukha niya. Gusto ng mga lalaki ang kasiyahan ng paghahanap, kaya huwag mong ipapahalata na nakatuon ang iyong paningin sa kanya.

Magtiwala sa sarili

Namamangha ang mga lalaki sa mga babaeng may tiwala sa sarili. Ipakita mo sa kanya na mahal mo ang iyong buhay at ikaw ay isang klase ng babae na hindi dumedepende sa iba. Pamanghain mo siya sa mga gusto mong marating sa trabaho o mga personal mong kagustuhan at iwasan ang pagkikita ng pagiging clingy o kailangan mo ng ganito, ganyan. Ipahayag ang iyong opinyon ng may tiwala sa sarili ngunit 'wag naman maging opensibo.

Baguhin ang inyong anyo

Hindi naman kailangang palitan mo ang buo mong pagkatao para lang magustuhan ka ng isang lalaki. Gusto mo pa rin naman ang iyong sarili ngunit bilang 'mas' at gumanda pa.

Magandang magsimula na magsuot ng damit na may mga abubot na magpapakita ng maganda mong katangian. Magtiwala sa iyong sarili dahil ang pagiging kakaiba ay isa sa mga bagay na nagugustuhan ng mga lalaki. Makapagbibigay din ito ng palatandaan para matulungan siyang maintindihan kung may gusto rin siya sa'yo.

Linisin lagi ang iyong sarili. Magandang simula ito para makasiguro na lagi kang nasa isip niya.

Higit sa lahat, maging taos-puso sa mga ginagawa mo. Huwag kang magkunwari na iba kang tao para lang sa isang lalaki. Sinusubukan mo siyang mahulog sa tunay na ikaw, kaya huwag ka ng maglalaro ng kahit ano.

Paano mo naisagawa ang mapasin ng lalaki bago siya mahulog sa'yo? Ibahagi ang iyong istorya sa mga komento!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Get Him To Genuinely Like You

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?