Paano Makitungo Sa Iyong Independent Na Boyfriend

Ang panatilihin ang iyong pagiging indibidwal at kalayaan ay magiging hamon kapag sinusubukan mong bumuo ng isang relasyon. Kapag ang boyfriend mo ay nagpapakita ng malaya o ugaling parang sanay na mag-isa at hindi ka sanay sa ganito, kailangan mo rin malaman ang katotohanan na ang pag-iisa ay mahalaga sa ibang tao.

Ang isang lalaki na matagal ng hindi pumapasok sa isang relasyon ay ang mahirap na tanggaling ang kanilang pagiging sanay na mag-isa. Panghahawakan niya ang kalayaan at walang iniisip na pamumuhay katulad ng relasyon ng isang sanggol sa kanyang ina. At makakramdam siya ng irita kapag mabilis na naging close kayo.

Kaya, paano ka ba makikitungo sa mga lalaki na nakikita ang kanyang sarili bilang indibidwal imbes na iyong boyfriend?

Respetuhin ang kagustuhan niyang mapag-isa

Ang mga malayang lalaki ay gustong makakuha ng personal na lugar sa abot ng kanyang makakaya. Gusto niya na magkaroon ng oras para sa kanyang sarili, at kailangan mong respetuhin ito.

Maaaring gusto niyang maglaan ng ilang oras sa paglalaro ng video games kapag nakakaranas siya ng stress o pumupunta siya ng boy’s night out kasama ang mga kaibigan niya ng dalawang beses sa isang buwan.
Hanggang hindi naman siya nakakasama sa kanyang sarili o wala naman siyang nilalabag sa batas, hayaan mo lang siya. Relax at hayaan mo siyang sumaya sa kanyang oras. Subukan ang lahat ng makakaya mo para punahin kung paano siya pumili ng paraan para makapag-unwind.

Maghanap ng bagay na parehas niyong gusto

Habang magkaiba ang tinataglay niyong personalidad, paniguradong may mga bagay na parehas kayong may interes dito. Kapag parehas niyong gusto ang mga outdoor na aktibidad, pumunta s isang adventure! Kapag parehas niyo namang gusto ng mga larong mapapagana ang inyong utak, maglaro ng mga board games o puzzle ng magkasama.

Maganda ring magaya ang iba niyang paboritong gawain, ngunit huwag naman subukan ang lahat ng ito. Mapupunta lang ito sa isang pag-aaway dahil mawawalan ka ng oras para sa sarili mo.

Magkaroon ng pamantayan ngunit huwag maging strikto

Ang bawat relasyon ay mayroong sariling pamantayan. Ngunit, kapag ang lalaking nakaka-date mo ay mas pinahahalagahan ang kanyang kalayaan, ang pagkakaroon ng striktong pamantayan ay makakasakit lamang sa inyong relasyon. Magpaparamdam ito sa kanya na para bang nakatali siya. Sa oras na para bang nawawala na ang kanyang kalayaan, mabilis itong tatakbo palabas.

Kapag may mga pamantayan siyang nalabag, huwag siyang babatuhin ng parusa. Bagkus, ipakita sa kanya ang mawawala kapag ikaw na ang nawala.

Piliin kung ano ang dapat pag-awayan

Kailangan mo ring matuto kung ano ba ang dapat na pag-awayan. Kapag dumating siya sa inyong date na huli ng ilang minute, huwag kang magagalit agad. Maaaring may magandang rason kung bakit siya nahuli. Pwera na lang kung ito ay may negatibong epekto ito sa inyong relasyon para palagpasin. Huwag ng palakihin ang hindi naman dapat.

Huwag dumepende sa kanya

Ang malaya mong kasintahan ay maaaring handa ng ibigay ang emosyonal at pisikal mong pangangilangan, ngunit hindi naman ibig sabihin na dapat ka pang mag-hangad ng mas marami pa. Huwag kang umasa na ibigay niy ang lahat ng iyong pangangailangan. Hindi naman makatarungan na ganoon dahil may pansarili rin siyang pangangailangan.

Kapag may hindi magagandang araw, okay lang naman na magpa-hangin kung minsan, ngunit hindi naman dapat palagi. Dahil handa ng makinig ang boyfriend mo sa’yo, hindi naman kailangan na itrato mo siya bilang sound board. Maaaring maghanap ka ng iyong kaibigan na pwedeng kausapin oras-oras at mapag-sabihan ng iyong problema.

Kaya, kapag napunta ka sa isang relasyon sa isang independent at malayang lalaki, intindihin mo na hindi mo kayang paamuhin ang tulad niya. Ang pwede mo lang gawin ay kumbisihin siya na maging bahagi ka ng kaniyang buhay.

May iba ka pa bang suhetiyon para makitungo sa ganitong klase ng lalaki? Mag-iwan ng inyong ideya sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version: How To Deal With An Independent Boyfriend

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?