Paano Malalagpasan Ang Pagkamahiyain Sa Unang Pakikipag-date

Ang pagkanerbyos sa unang pakikipagdate ay isang malaking hamon para sa mahiyaing tao. Ang pagpapakita ng isang magandang impresyon sa iyong kadate ay magiging mahirap kung ang iyong lakas ng loob ay natatabunan ng iyong pagkabalisa.

Ang pagiging komportable sa lugar kung saan kasama mo ang iyong kadate ay makatutulong ng malaki upang mabawasan ang iyong pagkabalisa. Subukan mong dalhin ang iyong kadate sa isang lugar kung saan ka pinaka-komportable. Sa lugar kung saan kontrolado mo ang iyong sarili.

Bago ang inyong pagdidate, gawin mo ang lahat upang paghandaan ito ngunit panatilihin mong kalmado ang iyong sarili habang isinasagawa ang mga ito. Ito ang ilan sa mga tip na makakatulong sa iyo.

Magsagawa ng kakaunting pagsasaliksik tungkol sa iyong kadate

Kumuha ng ilang mga impormasyon tungkol sa iyong kadate. Itong ang makatutulong sa iyo kung ano ang mga dapat gawin at pag-usapan. Ang malaman kung papaano makikipag-usap ng mabuti sa iyong kadate ay isang malaking kapakinabangan para sa iyo, lalo na kung ikaw ay isang mahiyaing tao.

Simulan sa isang magandang diskarte, katulad ng pagtatanong kung ano nga ba ang kaniyang mga hilig at kung ano ang kaniyang mga ginagawa para sumaya. Kung hindi ka pa rin sigurado, maaari mong tingnan ang kaniyang sosyal medya tulad ng fb upang malaman kung ano mga bagay na nakapagpapasaya sa kaniya. Maaari mong gamitin ang mga impormasyong ito bilang bahagi ng pangbasag pansin kapag nakatagpo mo na ang iyong kadate.

Pag-aralan

Maaari itong magmukhang katawa-tawa, ngunit maaari kang mag-ayos ng isang kunwariang date kasama ang iyong kaibigan at pag-aralan ang pakikipag-date ng magkasama. Ito ay mabuti dahil kasama mo ang isang tao kung saan ka komportable at kung hindi man maging maayos ang lahat, ang iyong kaibigan ay makapagbibigay sa iyo ng kaniyang saloobin kung papaano mo ito maitatama.

Ito ay makatutulong kung kahit kailan ay hindi mo pa nasusubukang makipag-date. Siguraduhing alam ng iyong kaibigan na isa lamang itong kunwariang pagdidate. Pumili ka ng kaibigang handang tumulong sa iyo rito. Sa paggawa nito, makakakuha ka ng ilang mga ideya kung ano ang maaaring mangyari sa totohanang pakikipag-date.

Subukan mong makipag-usap sa iyong kaibigan na kung saan siya ang lalaking iyong makakadate. Maaari mong gamitin ang pagkakataong ito upang mahasa ang iyong pakikipag-usap. Huwag kang mahiyang magtanong sa iyong kaibigan sa mga bahaging nais mong mapagbuti.

Maglaan ng panahon upang pangalagaan ang iyong sarili

Magpunta sa mall at bilhan ang iyong sarili ng disenteng mga damit. Kapag hindi ka kapos sa iyong panggastos, maaari kang magpunta sa salon at ipaayos mo ang iyong buhok at mga kuko. Kung iyong nanaisin maaari ka ring magpafacial.

Ang lahat ng ito ay makatutulong upang madagdagan ang tiwala mo sa iyong sarili dahil sinubukan mong magmukhang maayos at kaakit-akit. Tandaan: kung papaano mo ipepresenta ang iyong sarili sa iyong kadate ay mag-iiwan ng pangmatagalang impresyon sa kaniya. Kaya paniguraduhin mong pagbutihan ito.

Pumili ng tamang lugar

Kung magpapalano ng isang date, subukan mong humanap ng lugar kung saan pareho kayong komportable. Ang isa sa mas ligtas na lugar na maaaring pagsimulan ay ang restaurant na may kasamang bar. Kumuha ng ilang inumin kasama ang masasarap na pagkain upang mapagaan ang mga pangyayari. Sa ganitong paraan, pareho kayong mas makapagbabahagi ng inyong mga personal na buhay.

Magpalitan kayo ng mga tanong upang mas makilala ninyo ang isat-isa. Kapag humiling siya para sa pangalawang pagkakataon, mas magiging madali na sa iyo ang magplano dahil mayroon ka ng magagandang mga ideya kung ano nakakapagpasaya sa inyong pagdidate.

Ang paglabas upang manuod ng sine ay isa ring magandang paraan upang makaiwas sa iyong pagkanerbyos sa unang pakikipag-date. Mayroon kang mas kakaunting oportunidad para magsalita, at makakaiwas ka sa paggawa ng mga hindi kanais-nais na bagay na maaari mong pagsisihan kapag hinayaan mong manaig ang iyong pagkabalisa. Ang positibong bahagi para rito ay ang magkakaroon kayo ng mapag-uusapan pagkatapos ng inyong panunuod.

Magsagawa ng mas malaking preperasyon para sa iyong unang date lalo na kung iniisip mo na ang iyong kadate ay siyang maaari mong maging karelasyon. Ang pag-iiwan ng magandang impresyon sa inyong unang pagdidate ay magdadala sa iyo para sa isa pa. Huwag kang masyadong mabilis at ienjoy mo lamang ang mga sandaling ito.

Ano pa ang ibang mga bagay na maaaring gawin ng isang mahiyaing tao upang malagpasan ang first date blues? Ibahagi ang iyong mga ideya sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version" Overcoming Shyness on a First Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?