Tiyak na Gabay Upang Magustuhan ka

Kapag lalabas ka bilang isang single na babae, nag-iisa man o sa isang grupo ng magkakaibigan, malamang na ikaw ay papansinin na mga lalaking nagkakaroon ng interes sa iyo. Maaaring magustuhan ka nila at makipagflirt. Ito ang mating dance ng modernong mga tao, kaya kung sasabihin, nasa sa iyo na kung tutugon ka ba sa kanilang mga romantikong pagpapakita sa malinaw na paraan na nagpapakita ng iyong intensyon.

Kung ikaw ay hindi sigurado kung paano tutugon o kaya naman ay lubha kang nahihiya na mag-isip na replayan siya, ang gabay na ito ang makatutulong sa iyo upang makatuklas ng mga paraan kung papaano tutugon sa isang lalaking nagkakagusto sa iyo.

Kung ikaw ay interesado…

Maging magalang, palangiti at magreply sa kaniyang mga komento sa mabuting paraan. Makatutulong din na maging malinaw sa katayuan ng inyong relasyon, kaya iwasan mong magbigay ng kakaibang mga senyales o kung hindi ay mabibigyan mo siya ng maling pang-unawa sa iyo. Maaaring magsimula siyang batiin ka kaya gawin mo ang kaparehong bagay kung sa tingin mo na ito na ang magandang pagkakataon na siya na ang tamang kapareha para sa iyo.

Pinapansin ka niya dahil interersado siya sa iyo, kaya suklian mo ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaniya kahit na sa kakaunting oras. Ang ilang mga pang-aakit na palitan at mapanuksong mga ngiti ay makatutulong sa kaniya upang mas magbahagi sa iyo, na kung saan ay makatutulong upang matuklasan mo ang kaniyang pagkatao. Ang paglalaan ng oras sa pakikipag-usap sa kaniya ay ang magsasabi kung siya ba ang mabuting kapareha para sa iyo, kaya huwag tipirin ang bahaging ito kung panigurado ka nang gusto mong lumabas kasama siya.

Ikaw ang unang mag-alok ng iyong phone number kung sa tingin mo ay nakuha mo itong na mabuti. Sa ganitong paraan, ay magagawa niyang makipag-ugnayan sa iyo kung gusto niyang yayain ka sa isang date. Ito ay makatutulong upang matawagan ka niya pagkatapos mong ibigay ito sa kaniya, gamitin mo lang ang iyong phone’s call log upang ilagay ang kaniyang pangalan sa kaniyang phone number. Kaya kapag siya ay tumawag, makikita na kaagad ang kaniyang numero sa iyong telepono at hindi mo na kailangan pang itanong kung sino ang tumatawag. Walang ibang mas malala kung ipapaisip mo sa kaniya na nakalimutan mo na ang inyong pagkikita.

Kapag siya ay tumawag, huwag ka nang mag-isip pa at sagutin mo na kaagad. Palagi kang maging bukas upang matulungan siya sa pagpaplano at gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang mahanap kung saan nga ba talaga hahantong ang romansang ito.

Kung ikaw ay hindi interesado…

Manatiling maging magalang, ngunit sabihin mo sa kaniya ng maayos na hindi ka interesado o hindi ka pwede. Mahalaga na maging malinaw ito kung hindi maaari niyang isipin na sinusubukan mo siya o nagpapa-hard to get ka lang.

Kung patuloy siya sa pangungulit, maging tapat at sabihin na hindi ka interesado. Kapag patuloy pa rin siya sa panglalandi sa iyo sa kabila ng malinaw na pagtanggi mo sa kaniya, lumipat ka sa ibang lugar. Makatutulong ang pagkakaroon ng grupo ng kaibigan na maaari mong puntahan kapag hindi umayon ang mga pangyayari. Ipaalam mo sa kanila na mayroong lalaki na ayaw kang tigilan. Ang ilan sa mga matataray na pagtitig ng iyong mga kaibigan ay makatutulong sa pagpapaalis ng makulit na lalaki.

Sa pagkakataong mag-isa ka lamang at hindi siya tumitigil, saka ka matatag na magsabi sa kaniya. Ipakita na pakiramdam mo na ikaw ay nahaharas na at tatawag ka na ng pulis kung hindi ka niya titigilan.

Kung ikaw ang lalaki…

Isang magandang bagay ang magustuhan ka ng ibang lalaki, ngunit huminto at mag-isip bago ka maoffend. Karaniwang pinapansin ng mga bakla ang lalaking sa tingin nila ay kaakit-akit, ito ay isang pagpupuri.

Ang pagiging malinaw ay lubos na mahalaga dito, kaya makipag-usap ng maayos na iginagalang mo ang paraang iyon at ayos lamang ito. Sabihin mo na “Nahihiya ako, ngunit may iba akong nagugustuhan.”

Kita mo, maraming mga pagbati ang maaari mong makuha. Naka-depende sa iyo kung ano ang mararamdaman mo sa taong bumati nito sa iyo. Palaging tandaan na palaging maging magalang at maging matatag kung kinakailangan.

Ano ang pinaka hindi mo malilimutang sandali sa isang taong nagkagusto sa iyo? Ipaalam mo sa amin sa mga komento!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: The Definitive Guide To Getting hit On

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?