Paano Mo Magagawang Pakinggan Ka Niya

Ito ang karaniwang pang-araw-araw na problema para sa mga kababaihan kung papaano mapapakinig ang mga lalaki sa kanila. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mangyari kung ang isang lalaki ay hindi nakikinig sa kaniyang kapareha.

Ang katotohanan ay ang mga lalakit at babae ay hindi mapagkakailang magkaiba. Na ang isang babae ay hindi magiging tulad ng isang lalaki at gayundin naman na ang lalaki ay hindi kailanman magiging tulad ng isang babae. Hindi mo maaaring puwersahin ang isang lalaki sa kung ano ang nais mo na maging siya, ngunit maaari mong baguhin ang paraan sa kung papaano mo siya kakausapin ng sa gayun ay magawa ka niyang pakinggan.

Ito ang ilan sa mga tip kung papaano mo siya mapapakinig sa iyo, na hindi isinasaalang-alang ang maayos na relasyon ninyo sa isat-isa.

Sabihin mo kaagad

Ang mga babae ay magaling sa pagsasalita, lalo na sa pagkuha ng mga detalye tungkol sa isang pangunahing usapin. Nais ng mga babae na maipaliwanag kung papaano nangyari ang mga bagay. Sa kabilang banda, nais malaman ng mga lalaki kung ano lamang talaga ang tunay na nangyari, na walang anumang mahabang pagdadaldal, kaya naman ang solusyon ay maaaring maibigay sa isang iglap lamang.

Kung nais mong matulungan ka niya na masolusyunan ang iyong problema, sabihin mo sa kaniya kaagad kung ano ang nais mong gawin, Ang iyong kapareha, bilang makakapitan mo ng lakas ay mararamdaman na kailangan mo ng tulong. Gayunpaman, huwag kang maghangad na magbibigay siya ng kaparehong solusyon tulad ng sinabi ng iyong kaibigang babae. Matapos ang lahat tandaan na isa pa rin siyang lalaki.

Gawin mo ito sa tamang oras

Importante na ang lahat ay nasa tamang oras. Kung may ginagawa ang iyong kapareha, huwag mo siyang istorbohin maliban na lamang kung napakahalaga talaga nito. Kahit na nanunuod lamang siya ng paborito niyang TV show o kaya naman ay gumagawa siya ng mga bagay na kaniya ng pinlano, alamin mo kong ito ba ang tamang oras upang kausapin mo siya.

Gayundin, huwag mo siyang istorbohin lalo na kung kakatapak pa lamang niya ng kaniyang mga paa sa inyong bahay galing sa trabaho. Maaaring siya ay problemado o masyadong pagod para makinig sa iyo. Magaling ang mga lalaki sa paglalaan lamang ng kanilang atensyon sa iisang bagay, habang ang mga kababaihan naman ay maramihan kung gumawa. Kaya naman maghintay ka lamang hanggang sa dumating ang tamang panahon. Maaari na itong mangyari kung pareho ng maaliwalas at nakapahinga ang inyong mga isipan.

Obserbahan mo ang iyong pagkilos habang nagsasalita

Ang paghawak sa kaniyang mga kamay, pisngi, o ilong habang ikaw ay nagsasalita ay makatutulong upang pansinin ka niya. Gayundin, hawakan mo siya tulad ng ikaw ay nagmamahal. Maging banayad ka lamang. Ang banayad na paghawak na ito ay hindi lamang makakakuha ng kaniyang atensyon, ngunit maililipat ang kaniyang pag-iisip upang pangalagaan ka.

Isulat mo ang iyong mga alalahanin

Kung ikaw ay may mga alalahanin o kaya naman ay kailangan mo ng tulong upang matapos ang isang gawain, magkaroon ka ng tiyak na kagamitan, tulad ng isang listahan, na magpapaalam sa kaniya kung ano ang kailangang gawin. Isulat mo ang lahat ng bagay na nais mong maayos niya o magawa niya para sa iyo.

Ang mga lalaki ay goal seekers na kung saan ay nagiging motibasyon nila upang gumawa ng ibat-ibang mga gawain. Kaya naman, gumawa ka ng listahan at ibigay mo ito sa kaniya. Ang bawat gawaing matatapos niya sa listahang iyon ay makapagbibigay sa kaniya ng kasiyahan, karangalan, sigasig at katagumpayan.

Maging tagapamayapa ka

Pangkaraniwan na lamang sa isang tao na ipagtanggol ang kaniyang sarili kapag sila ay minamaliit. Kung minsan ay sumusobra tayo sa pamumuna kaysa pagtuunan kung ano ang problema. Karaniwan tayong nagpopokus sa pakiramdam na kinakalaban tayo.

Kung nais mo talagang pakinggan ka ng iyong kapareha, piliin mong mabuting ang mga salitang iyong sasabihin sa kaniya. Kaysa sa palalain mo pa ang problema, maging tagapamayapa ka na lamang. Ano man ang problema, subukan mong magsalita ng maayos hanggat maaari, Mas makikinig siya sa iyo kung nakikita niyang mahinahon ka lamang. Kaya naman bilang sukli, maging bukas ka lamang sa kung ano ang magiging tugon niya sa iyo.

Ang pagkuha ng lalaki upang making sa iyo ay hindi magiging mahirap kung alam mo kung papaano kuhanin ang kaniyang atensyon at makakuha ng kaniyang pansin. Tandaan mo lamang ang mga tip na ito at wala kang magiging problema sa paghahatid ng mensahe sa kaniya.

May alam ka pa bang mga tip upang makinig ang mga lalaki? Ibahagi mo ang iyong nalalaman sa komento sa ibaba!

Ang artikulong ito ay inspirasyon ni Rachelle Rosuello

Please click the link for English version: How To Make Him Listen To You

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?