Paano Mo Siya Makukuhang Gustuhin Ka Ulit

Sa dami ng rason, maraming babae ang nagkakagusto sa mga lalaking nagkaroon sila ng gulo sa loob ng relasyon. Kapag may kasama ng romantikong pakiramdam, mas nagiging komplikado pa ito. At karamihan sa mga ganitong relasyon ay hindi maganda ang nagiging pagtatapos kahit na malakas pa ang kagustuhan niyong ito ay tumibay.

Kapag nasa parehas kang sitwasyon, intindihin mo na may tsansang hindi gusto ng lalaki na siya ang unang gumalaw para magkabalikan kayo. Ito ay totoo lalo na kung ang katapusan ng inyong relasyon ay magulo at walang totoong pagtatapos.

Kaya bago mo isipin ang pakikipag-balikan sa kanya, kailangan mong ihanda ang iyong sarili sa emosyonal na pagkalito. Kailangan mong magkaroon ng positibong pagtingin sa mga bagay kahit na mahirap ang daan pabalik sa kanya.

Alalahanin ang kanyang problem

May ilang rason kung bakit nag-iba ang kanyang nararamdaman para sa'yo. Maaaring mga negatibo itong katangian na nabuo sa inyong relasyon. Ang mga ganitong bagay ay maaaring nakakadagdag sa kanyang mga problema, na magpaparamdam na hindi siya komportable sa'yo.

Huwag mo siyang pilitin na mahalin ka ulit. Magmumukha ka lang desperada. Bagkus, alalahin ang salik na tumapos sa inyong relasyon at humanap ng paraan para maayos ito.

Manghingi ng tawad sa iyong mga kamalian

Kung ikaw ay nasa panig ng pagiging may-sala, buong pusong manghingi ng tawad sa iyong kasalanan, sa mga maling bagay na nagawa mo. Kailangan mong iparamdam na totoo ang iyong tawad at pinagsisisihan mong nagawa mo ang iyong kamalian.

Nasa iyo ang oras para alalahanin kung ano at kailan ba kayo nagkamali para maayos niyo ang kamalian. Hindi lahay ng sugat ay gumagaling agad, kaya kailangan na lagi mong ipapakita ang iyong kagustuhan na maayos ang iyong kamalian. Kapag nakikita niyang gusto mo talagang maging mas mature at responsable sa iyong mga aksyon, bubukas uli ang kanyang puso para sa'yo.

Ipaalala mo sa kanya ang babaeng minahal niya

Ano ba ang dahilan niya para makipag-date sa'yo? Ito ba ay pagiging positibo mo, matulungin, kasiyahan o sa personalidad mong mabilis makisama? Subukan mong alalahanin kung ano ba ang nagustuhan niya sa'yo noong una niyong pakikipag-date. Kapag nagbago ka sa paglipas ng panahon, ipakita mong kaya mong ibalik ang iyong sarili sa dati, na ikaw ang babaeng minahal niya dati.

Ngunit, iwasan ang pagbuhay uli ng mga nagdaang karanasan na kasama siya para lang magustuhan ka miya ulit. Mas maganda na kaunti ang salita at mas madaming gawa. Sa huli, huwag kang magkukunwari bilang ibang tao dahil sisirain lang nito kung ano man ang mayroon sa inyo.

Palakihin ang kanyang ego

Gusto ng mga lalaki na lumago pa ang kanilang ego. Gusto nila ang pakiramdam ng nagugustuhan. Kaya, subukang bigyan siya ng mga papuri kapag may pagkakataon. Huwag nga lang sobra. Iparamdam mo lang sa kanya na nagugustuhan mo ang mga magagawa niya, kahit na sa maliit pang bagay. Magpaparamdam ito na gusto niya pang magpursigi dahil may taong magpapasaya sa kanyang gawain.

Maging misteryoso sa mga susunod mong galaw

Huwag naman sanang halata ang bawat galaw mo. Panatilihing puno ang kanyang isipan sa mga posible mong gawin para bumalik siya sa'yo. Kapag nalaman na niya ang bawat galaw mo, magsisimula siya ma-bored at mawalan ng interes.

Kapag nakakagawa ka ng daan, obserbahan ang kanyang reaksyon. At, tingnan ang pinakamalapit na pasukan sa kanyang puso. Bago mo pa malaman, masaya na kayong magkasama sa iisang balikat ulit.

Sa lahat ng ito, alalahanin mong huwag kang magmakaawa at huwag mo siya pilitin na bumalik sa'yo. Bigyan ng respeto ang iyong sarili. Ipakita mong karapat-dapat ka. Ipakita mo kung ano ba ang nawala sa kanya at ang maaari niyang makuha kung patutuluyin ka niya ulit sa buhay niya.

May iba ka pa bang alam na epektibong paraan para mapabalik ang isang lalaki? Bigyan mo kami ng kaalaman sa mga komento!

Please click the link for English version: How To Get Him To Like You Again

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?

comments powered by Disqus