Paano Humanap Ng Babaeng Gusto Mong Makadate

Ang paghahanap ng taong nais mong makadate ay sadyang mahirap lalo na kung hindi ka naman isang palakaibigan na tao. Ang pakikipag-usap sa isang babae ay maaaring maging mahirap at nakakatakot lalo na kung hindi naman ito ang karaniwan mong ginagawa.

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na magiging single ka na lamang sa haba ng iyong buhay. Hindi dahil sa kakaunti lamang ang taong nakapaligid sa iyo, hindi ito nangangahulugang limitado lamang ang pagpipilian mo. Ang babae ay nasa kahit saan. Kailangan mo lamang lumabas upang hindi mo masayang ang isang taong maaaring “Siya na pala.”

Paano ka makakahanap ng babaeng makakadate kung mayroon kang pagkamahiyaing katangian at limitado lamang ang iyong mga kakilala? Narito kung papaano.

Ayusin mo ang iyong sarili

Bago ka lumabas para humanap ng potensyal na makakadate, maglaan ka muna ng oras upang ayusin ang iyong sarili. Maligo ka, magpagupit ng buhok at maglagay na pabango.

Hindi mo alam kung kailan ka makatatagpo ng babae, kaya mabuti ng maging handa. Gusto ng mga babae ang lalaking mukhang malinis at mabango dahil ito ang senyales na inaalagan ng lalaki ang kaniyang sarili ng mabuti. Ang maayos na pangangalaga sa sarili ay malaking tiyansa na makahahanap ka ng makakadate na babae.

Humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan

Kailangan mong magkaroon ng ilang malalapit na kaibigan na makatutulong sa iyo. Hayaan mong hanapan ka nila ng taong may kaparehong hilig at katangian ng tulad ng sa iyo.

Kung karamihan ng iyong mga kaibigan ay lalaki, maaari mong itanong ang kanilang mga kapatid na babae o mga kaibigang babae. Ipaalam mo sa kanila na kailangan mo ng tulong dahil sa hindi ganoon kalakas ang iyong loob upang tanungin ang isang tao ng direkta.

Gamitin mo ang iyong iba pang mga kakilala upang humanap ng babaeng makakadate. Gaano man kaliit ang iyong koneksiyon, mayroon pa ring posibilidad na makakahanap ka ng babaeng iyong makakadate. Huwag kang matakot na humingi ng tulong kung kinakailangan mo.

Kumausap ka ng mga babae sa bawat lugar

Makakatagpo ka ng mga babae saanman. Sa silid-aklatan, coffee shop, grocery store, o sa gym. Kausapin mo ang babae kung siya ay mag-isa, at paniguraduhin mong bigyan siya ng mainit na ngiti. Ito ang magbibigay ng palakaibigang pakiramdam kaysa sa pagiging isang nakakatakot na stalker.

Maganda rin kung kakausap ka ng babae na may kaparehong hilig tulad ng sa iyo. Kung hilig mo ang pagbabasa ng libro, subukan mo sa mga silid-aklatan o sa mga lokal na book store. Kung ikaw na man ay sa pangkalusugan, subukan mo sa mga gym. Tumingin ka lamang at makakahanap ka ng babaeng maaari mong maidate.

Maaari ka ring makatagpo ng mga babae sa mga club, ngunit kung hindi ito ang lugar na komportable para sa iyo, huwag kang mag-alala. Paniguradong hindi ka makakahanap doon ng babaeng may nais ng pangmatagalang relasyon.

Subukan mo ang online dating

Kung ang pagsama sa mga babae o ang pagtatanong sa kanila kung maaari ba silang maidate ng harapan ay mga bagay na wala kang lakas ng loob upang gawin ito, subukan mo ang online dating. Ito ay maaaring maging kapana-panabik at mas marami pang bagay ang mapag-uusapan ninyo kapag kayo ay magkikita na.

Hindi ka mag-aaksaya ng oras sa pakikipagdate sa isang tao na wala naman kayong pagkakapareho ng hilig. Ganoon din, kapag niyaya mo ang isang tao mula sa internet at hindi ito pumayag, ay hindi ka ganoon kasakit..

Ang isa sa pinakamahalagang dapat tandaan kung ikaw ay makikipagdate ay ang simpleng pagiging ikaw lamang. Hindi ka makakahanap ng taong gusto ka talaga kung nagpapanggap ka lamang na ibang tao. Panatilihin mo ang tamang babae na kung saan ay gusto ka at tanggap ka sa kung sino ka.

Mayroon ka pa bang ibang tips na maidaragdag? Ibahagi mo ito sa mga kumento sa ibaba!

Please click the link for English version: How To Find A Girl You Want To Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?