Double Blind Date: Lahat ng kailangan mong malaman para magkaroon ng kasiyahan

Kadalasan, ang pangdalawahang blind date ay parang isang malaking sugal, ngunit mababayaran ka naman nito ng higit pa sa inaasahan mo. Malaking hamon din ang maliliit na usapan lalo na kapag hindi pa naman kayo nagkasama, kaya masusuportahan niyo ang isa't-isa kapag may kasama kang kaibigan mo. Ang pagpaplano ay hindi naman makakasira sa mga gusto niyong mangyari bagkus ay napapataas pa nito ang pagkakataon na mapaganda ang mga nangyayari sa inyong blind date, kahit na hindi pa kayo humantong sa romantikong usapan.

Panatilihin ang bukas na isipan

Huwag mong isipin na kailangang makuha mo siya kaagad sa unang pagkakataon. Magugulat ka na lang kapag nalaman mong hindi lahat nagtatapos ang mga blind date sa romantikong relasyon. Ngunit, panatilihin pa rin na maging masaya ang mga bagay-bagay para naman magkaroon ka ng kaibigan o 'di kaya naman ay isang contact para sa negosyo mo habang nakikipag-usap ka. Maaari ring magustuhan ng kasama mo ang kanyang date kaya huwag kang magreklamo ng magreklamo lalo na kapag alam mong wala naman kayong potensyal ng ka-date mo.

Magsimula ng usapan

Planuhin ang inyong date at siguraduhin na lagi kayong may pag-uusapan. Iwasan ang mga lugar na tahimik at nakakaburyo. Subukan niyong pumunta sa mga stand-up comedy bar para naman lahat kayo ay mabuhayan. Gawing nakakasabik ang gabi sa pamamagitan ng pakikipagkita sa masayang lugar tulad ng seaside fair o arcade. Magandang ideya rin ang mga lugar din na may magagandang tanawin at magbibigay din ito ng pagkakataon na ipakita ang mapagmahal mong paguugali.

Bumuo ng estratehiya

Magkaroon kayo ng mapapagkasunduang kabuuang oras ng inyong date. Bago kayo lumabas, mag-isip kayo ng saktong oras para maintindihan ang mga nangyayari sa gabing iyon.

Sabihin natin na magsisimula ang inyong date ng ala-sais ng gabi. Pwede kayong humiwalay ng alas-nueve ng gabi para tingnan kung kayo ng kaibigan niyo ay gusto pang manatili hanggang sa dulo ng inyong date. Kapag gusto pa ng isa na manatili pa, maging isang kaibigan at sumama muna sa kanya sa loob ng dalawang oras bago tapusin ang gabi. Hindi maganda na umalis na ang isa at maiiwan naman ang isa, pwera na lang kung parehas na kayong nakikipaglandian sa inyong date. Ang pangit ng magiging resulta kapag napag-desisyunan ng isa na umalis na dahil ang isa pang maiiwan ay magiging "third wheel" lamang.

Maging pamilyar

Pumunta sa mga lugar na pamilyar ka, katulad ng restaurant na may paborito mong pagkain o isang lounge na magagaling ang mga waiter. Manatili sa lugar na komportable kayo hindi iyong mahihiya kayo sa mga taong makakasalamuha niyo. Iwasan ang mga club. Wala ng mas nakakapanlumo pa sa paghihintay sa mahabang pila papasok sa mataong bar sa una o pangalawang date niyo. Maging malikhain at pag-isipan niyong dalawa ng mabuti kung saan ba masaya at magiging komportable kayong dalawa para masulit niyo ang gabi.

Dapat na maasahan ka ng kaibigan mo

Maging sandalan dapat kayo ng isa't-isa. Kapag lumabas ng bar ang kaibigan mo, dapat may maganda kang sasabihin tungkol sa kanya kapag binigyan ka na niya ng signal na nagugustuhan niya ang ka-date niya. Ang lenggwahe ng katawan ay mahalaga, lalo na kapag maingay ang inyong paligid. Dapat na iwasan ang ipahalata ang iyong mga galaw at ngumiti na lamang.

Huwag hahawakan ang inyong phone

Huwag naman sa phone mo lang mabaling ang atensyon mo buong gabi. Magbibigay ito ng impresyon na hindi ka interesado. Kapag kailangan mo na talagang tumugon sa isang text o email, gawin o tingnan lamang ito kapag papunta ka sa banyo. Kapag hindi mo na nagugustuhan ang mga nangyayari, huwag kang matutukso na mag-text pa ng ibang tao. Makipag-usap ka na lang sa kaibigan mo! Pagkatapos ng lahat, kasama mo pa rin naman siya.

Lahat naman ng tao ay gusto ang magsaya, kaya magplano ng mas maaga kapag gusto mong pumunta sa isang blind date kasama ang kaibigan mo. Katulad ng maraming bagay sa buhay, maganda na planado ang lahat. Kaya ikintal sa inyong isipan ang mga tips na ito at magkaroon ng magandang double blind date!

Nakipag-blind date ka na rin ba? Ibahagi ang inyong naging karanasan sa mga komento sa ibaba!

Please click the link for English version: Double Blind Dates: Everything You Need to Know to Have Fun

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?