5 Paraan Para Mahulog Ang Damdamin Ng Isang Babae Sa Unang Date Niyo

Kadalasan, hindi madali makuha ang damdamin ng isang babae, hindi tulad ng mga napapanood natin sa sine. Hindi mahuhulog amg babae sa'yo kapag hindi mo naman sinusubukan. Kinakailangan nito ang mga kakaibang paraan para maidugtong ang kanyang personal na katangian sa emosyon at mental na estado. Ang paraan ng pag-iisip mo ay may malaking parte kapag pinlano mo ito ng mas maaga para naman magkaroon ka pa ng pangalawang date sa napaka-gandang babaeng iyon.

Magtanong

Huwag kang mag-marunong para lang maganda ang paningin niya sa'yo. Sundan ang pag-aaya mo ng mga tanong para maging maayos ang date niyo. Magiging magulo lang kapag dinala mo siya sa isang skating rink tapos masama pa pala ang tuhod niya matapos ang isang sports injury, i isang hapunan sa steak house gayong vegan pala siya.

Unahin kung saan siya magiging komportable. Magtanong ka kung anong pagkain ba siya may allergy o kung ano ba ang gusto niya. Pwede ring pabiro mo siyang tanungin kung ano ba ang pinakamasamang posibleng date para sa kanya. Sulitin ang oras para masiguro na lahat ng importanteng impormasyon na kakailanganin mo ay mayroon ka na.

Bigyan siya ng mga pagpipilian

Ngayin na sigurado na ang inyong date, maaari ka ng magkaroon ng plano. Sa tulong ng lokal na kainan o tour guide, makakabuo ka na ng plano na nanggaling sa mga sagot niya sa naging katanungan mo.

Ang pagiging organisado ay importante kaya isulat mo ang lahat! Kapag maaga ang inyong date, maghanap ng mga kapehan, bistro, mga palabas, concert o museo na pwede mong masumpungan sa kalagitnaan ng araw. Ang mga malalapit na lugar na may magagandang spot ay magandang ideya para maikli lang ang oras niyo sa pag-byahe at mapaparami ang oras na makakapag-focus ka sa babae mo.

Asahan ang hindi inaasahan

Sa pagkakataong ito, lahat na ng bagay ay naayon na. Simula sa pagpili sa tamang lugar hanggang sa kung paano ba dadaloy ng maayos ang inyong usapan. Ngayon kaikangan mong pagtuunan ng pansin kung ano ba ang binibigay niyang signal habang nakikipag-date sa'yo. Kapag nasisiyahan siya sa paglalakad sa museo na pinuntahan niyo, magtagal pa kayo roon ng higit pa sa oras ng plano mo. Kapag pinilit ka niyang maghintay pa ng 30 minuto para mapanood ang sine na matagal na pala niyang gusto, sumang-ayon ka lang sa kanya.

Ang kakayahan na makatugon sa mga bagay na hindi naman inaasahan ay magandang katangian para sa mga babae. Ang pagpaplano ay maganda para makuha ang kanyang puso ngunit ang ipakita na kaya mong mag-adapt sa mga nangyayari ay ang magpapauna sa'yo sa kanyang listahan.

Ikaw na ang maging bahala sa lahat

Ang pagbabago ng gender role sa modernong panahon na ito ay talagang nakapagpabago ng senaryo ng pakikipag-date, ngunit bilang isang lalaki, importante na ikaw pa rin ang maging bahala. Habang iniisip natin na para bang paulit-ulit na ang ganito, gusto pa rin ng mga babae ang mga gentleman lalo na kung taos puso ito.

Ikaw na ang mauna na magsabing magbabayad ng mga nagastos, panatilihin ang naangkop na distansya kung saan siya komportable at buksan ang pintuan para sa kanya. Bigyan siya ng atensyon kapag pinapahayag nuya ang kanyang naiisip o mga opinyon para naaayon ang mga pagbabago ng ugali mo sa kanya. Maging mabait sa kanya sa buong oras na magkasama kayo.

Ibaling ang tingin sa premyo

Tingnan siya ng madalas sa loob ng buong gabi. Ang pagbibigay ng atensyon ay magpapagaan ng kanyang damdamin habang magkasama kayo. Magsabi ng mga biro o sundan pa ang inyong usapan tungkol sa mga nangyari sa inyo habang magkasama kayo. Ngumiti ng madalas, magtiwala sa sarili at bigyan siya ng impresyon na matagumpay at masiyahin kang klase ng tao, na magiging maganda kapag ikaw ang kasama niya. Kung saan niyo man pinaplanong pumunta o kung ano man ang plano niyong gawin, palaging unahin na magkaroon siya ng magandang pagkakataon na kasama ka para manatili pa siya sa'yo ng mas matagal.

Ang mga kauna-unahang date ay maaaring makabuo o makasira ng mga scenario kaya kapag pumalpak ka, maging aral ito sa iyo para mapaayos pa ang iyong sarili. Gamitin ang mga tips na ito sa mas malaking tsansa para mahulog ang damdamin niya para sa'yo.

Kumusta naman ang naging kauna-unahan mong date? Nagkaroon pa ba ito ng pangalawang pagkakataon? Hayaan mong malaman namin ito sa mga komento!

Please click the link for English version: 5 Ways To Make A Girl Fall For You On The First Date

Continue Reading

Datememe is a new 100% free online dating site. Just because it's free doesn't mean you can't enjoy premium features found on other paid websites. No fake users, no paid features, just free online chat to help you meet that someone special. What are you waiting for?